Solen Heusaff kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue ngayong Huwebes ang aktres na si Solenn Heusaff sa Department of Justice dahil sa umano’y hindi nito pagdedeklara ng tamang buwis.
Ayon sa ulat, naghain ng ang BIR ng tax evasion case laban kay Heusaff na umano’y kumita ng P13.38 milyon ngayong taon ngunit tanging P6.37 milyon lamang ang idineklara.
Sinabi ng BIR na dapat ay magbayad si Heusaff ng P3.6 milyon bilang kanyang tax liability.
Bukod kay Heusaff, kinasuhan din ng BIR ang accountant ng aktres na si Teofilo Magno Jr.
- Latest
- Trending