^

Balita Ngayon

Party-list raffle ngayon sa Comelec

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Ang mga kinatawan ng 135 na party-list groups na lalahok sa mid-term elections ngayong Mayo ay inaasahang dadagsa sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila para sa isang raffle.
 
Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, ang naturang raffle ay para malaman ang magiging pagkakasunud-sunod ng listahan ng mga party-list groups sa balota na gagamitin sa darating na halalan.
 
Idinagdag ni Sarmiento na sa nasabing bilang ng mga party-list groups, 84 ang pinayagan na tumakbo habang ang 51 pa ay kailangang makakuha ng status quo ante order mula sa Korte Suprema.
 
Ayon sa Comelec en banc resolution 9591, kailangang dumalo ang kahit dalawang commissioner, kinatawan ng party-list na grupo, at ilang miyembro ng media sa naturang raffle.
 
Sa mga nakalipas na halalan, ang puwesto ng mga party-list groups sa balota ay base sa alphabetical order. Nauuna naman sa listahan ang mga party-list groups na may "1" sa unahan ng kanilang pangalan.
 
Sa pamamagitan ng naturang resolusyon, binago ng Comelec ang alphabetical rule at sa pamamagitan na lamang ng raffle malalaman ang pagkakasunud-sunod sa listahan sa balota. 
Nakatakda sanang gawin ang raffle noong Disyembre 17 pero iniusog ito ngayong Enero 4 dahil kailangan muna ng Comelec  tapusin ang mga hindi pa nareresolbang kaso ng party-list groups. Dennis Carcamo

vuukle comment

AYON

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DENNIS CARCAMO

KORTE SUPREMA

LIST

PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with