Aktor na galing sa talent search, ipinagpalit ang bakla sa babaeng mapera
Asar-talo ang isang acclang negosyante sa panunukso ng mga kaibigan na alam ang naging kabaliwan sa isang aktor na produkto ng isang talent search. Matagal ding ginastusan ng acclang negosyante ang aktor na guwaping at naging alaga rin ng mga bading!
Eh babae na kasi ang gusto ni aktor. May mayamang babaeng negosyante ang ipinalit sa accla!
Tumataas lang daw ang kilay ni accla kapag inaasar siya ng mga friend.
Sagot lang ni accla, “Hayaan mo na. Laos na naman siya kaya basta may pumatol na iba, pinapatulan basta may pera!”
Wala nang masyadong projects si aktor na mebenta nung baguhan!
Bimby at Ryzza, iniisipan ng pasabog
Hindi akalain ng mga Eat Bulaga na may spark o chemistry pa sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino nang muling magsama sa show after ilang years!
Bata pa kasi, nakitaan na ng chemistry ang dalawa. Isa sa dahilan kung bakit nagkasama sila sa pelikulang My Little Bossing sina Vic Sotto at Kris Aquino.
Eh may screen presence si Bimby nang sumalang sa Bulaga. Marunong din siyang magsalita at kumakanta at sumasayaw pa! Eh knowing the think tanks of Bulaga, nag-iisip na sila ng pasabog na sina Bimby at Ryzza ang mga bida!
- Latest




















