Ombudsman kay Cayetano: Umayos, maghunos dili ka

MANILA, Philippines — Umapela si Ombudsman Jesus Crispin Remulla kay Senador Alan Peter Cayetano na maghunos dili at ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa liderato ng Senado.
“I’d like to appeal to Alan Cayetano ayusin niya naman, Maghunos-dili sana siya,” sabi ni Remulla.
Aniya, dapat ding mag-isip ang lahat ng senador para sa kapakanan ng mamamayan.
Noong June 3 ay muling nag-convene ang Senado at naihalal ng 12 senador si Sen. Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President.
Si Sen. Erwin Tulfo ang naitalagang bagong chairman ng Blue Ribbon committee kapalit ni Sen. Pia Cayetano.
Sa kanyang panig, iginiit ni Cayetano na siya pa rin ang Senate President.
Nagsagawa ng flood control hearing ang kampo ni Cayetano na dinaluhan ng 18 ex-marines na sinasabing bogus na pagdinig at naging ugat ng hindi pagkakaunawaan ng minorya at mayorya sa Senado.
- Latest

















