^

Bansa

Zero billing sa DOH hospitals

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala nang babayaran sa mga ospital ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente.

Sa ika-4 na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, sinabi nito na “zero balance billing” na sa mga ospital ng DOH dahil sasagutin na ng gobyerno ang lahat ng gastusin ng mga Pilipino rito.

“Itutuloy na po natin ang zero ­balance billing. Libre po. Ibig sabihin, ang serbisyo sa basic accomodation sa ating mga DOH sa ospital, wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo,” sinabi pa ni Marcos.

“Uulitin ko, wala nang kailangang bayaran ang pasyente basta sa DOH hospital dahil bayad na po ang bill ninyo”, giit pa ni Marcos.

Nakikipagtulungan na aniya siya sa DOJ para sa budget at pagpapaganda ng health care system ng bansa.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with