^

Bansa

Pangulong Marcos nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos nagbigay pugay sa lahat ng nanay at tatay na nagpapaka-nanay
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and German Chancellor Olaf Scholz answered questions from the members of the media during the joint press conference at the Chancellery as part of President Marcos' working visit to Germany on March 12, 2024.
PPA Pool Photos by Yummie Dingding

MANILA, Philippines —  Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga ina, kabilang ang Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa kanilang  sakripisyo ngayong Araw ng mga Ina.

Sa isang post sa social media nitong Linggo, pinarangalan ni Marcos ang lahat ng mga ina sa kanilang mga sakripisyo na nagpatibay sa pamilya at sa lipunan sa kabuuan.

“Sa ating mga kahanga-hangang ina, mga single mom, mga tatay na ginagampanan ang papel ng ina, at sa bawat isa na tumatayong ina, nais kong iparating ang inyong walang sawang pagmamahal at mga sakripisyo ay siyang nagbibigay liwanag sa ating buhay at nagpapatibay sa ating lipunan,” ani Marcos.

“Ngayon, ipinagdiriwang natin ang bawat isa sa inyo,” dagdag ng Pangulo.

Sa isang hiwalay na post, kinilala at pinasalamatan ng Pangulo ang kanyang asawa sa kanyang lakas at compassion, gayundin ang kanyang dedikasyon sa pagtatanggol sa kanilang pamilya.

Sinabi rin ng Pangulo na maswerte ang kanilang pamilya na nasa kanilang tabi ang Unang Ginang.

“To this dear lady, who not only fills our home with love but stands ready to defend her family at any turn -- happy Mother’s Day! We are incredibly lucky to have you on our side,” anang Chief Executive.

“Your strength and compassion not only safeguard our family but also uplift our entire nation,” dagdag ng Pangulo.

vuukle comment

LIZA ARANETA-MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with