^

PSN Showbiz

Amy Perez apat na taong ninakawan ng kasambahay na itinuring na kapamilya!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nasagot na kahapon ang mga cryptic post ni Amy Perez sa Facebook.

Ilang araw nang napapansin ng friends ni Amy ang mga emote niya sa social media pero hindi naman siya nagbibigay ng clue.

Tungkol sa loyalty ang mga emote ni Amy pero never na nagduda ang kanyang friends na may pinagdaraanan sila ng mister niya na si Carlo Castillo dahil very much in love ang dalawa.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang sagot nang pumutok kahapon ang balita na nadakip ng mga pulis ang kasambahay ni Amy na si Melrose Buli-buli aka Rose Besano.

Nakakulong na si Rose at walang piyansa ang qualified theft case na isinampa ni Amy laban sa kanya.

Umamin si Rose na sa apat na taon na paglilingkod niya kay Amy, paulit-ulit ang pagnanakaw niya ng pera, pagkain at grocery items. Pati ang mga anak ni Amy, hindi pinatawad ng ruthless na kasambahay dahil ninakawan din niya ng mga laruan.

Kung ako ang nasa lugar ni Amy, makakaramdam din ako ng panlulumo. Imagine, apat na taon na kasama niya sa bahay ang isang kriminal? Paano kung miyembro ito ng sindikato at hindi lang pagnanakaw ang ginawa?

Cry me a river si Amy nang malaman nito ang mga kabulastugan ni Rose na itinuring nila na tunay na miyembro ng pamilya pero sinuklian ng kasamaan ang kanilang mahusay na pakikisama.

Walang piyansa para sa mga akusado ng qualified theft kaya magdurusa sa kulungan si Rose.

Pareho sila ng magiging kapalaran ng matandang babae na dating kasambahay ni Quezon City Congressman Alfred Vargas.

Never na pumasok sa isip ni Alfred na malikot ang kamay ng babae dahil bukod sa may edad, hindi ito makabasag-pinggan.

Pero nawindang si Alfred nang umuwi siya sa bahay dahil naabutan niya ang maid na isinasakay sa isang taxi ang vault na naglalaman ng mga datung, alahas, at important documents na kinuha mula sa kanyang kuwarto.

Built in ang vault kaya malakas ang kutob ni Alfred na may kakuntsaba ang matanda para maibaba at mailabas nito ng bahay na walang kahirap-hirap ang mabigat na vault.

Caught in the act ang masyondang magnanakaw at kahit nagdrama siya, hindi nagpaapekto si Alfred dahil mas mahalaga na maturuan ng leksyon ang salarin.

Traumatic para kay Alfred ang nangyari kaya lumipat sila ng kanyang asawa sa ibang bahay. Nagpapasalamat si Alfred dahil nasa ibang bansa ang kanyang mag-iina nang mangyari ang insidente.

Sure ako na ganoon din ang naramdaman ni Amy kaya naging emosyonal ito dahil naging mabait sila kay Rose at tinrato ito na hindi ibang tao.

Full House Tonight dating mga taga-Startalk ang may hawak

Invited ako sa presscon noon ng Full House Tonight kaya may-I-remind ko sa dear readers namin na mapapanood na simula ngayong gabi ang bagong musical variety show ng GMA-7.

Starring sa Full House Tonight sina Regine Velasquez, Solenn Heussaff, ang loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali at ang mga gay stand up comedian na dati nang napapanood sa ibang mga programa ng Kapuso Network.

Sure ako na entertaining ang Full House Tonight dahil magagaling ang mga writer at production staff. I should know dahil sila rin ang mga writer at production staff na nakatrabaho ko nang matagal sa Startalk.

vuukle comment

AMY PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with