^

Bansa

Impeachment vs Duterte ‘di babawiin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Walang balak iatras ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang impeachment complaint na isinampa niya laban kay Pangulong Duterte.

Ito ang tugon ni Alejano sa mga panawagan ng ilan niyang kasamang Kongresista na iatras na lamang ang impeachment complaint dahil hahatiin nitong lalo ang bansa.

Ayon sa kongresista, ilalaban niya ang kanyang reklamo sa Pangulo hanggang sa dulo ng proseso nito at hindi niya maaring pagbigyan ang panawagan ng ilang kongresista dahil hindi niya maaaring isantabi ang isyu ng Extra Judicial Killings o EJK at korupsyon na kinasasangkutan ng Pangulo at ng administrasyon nito.

Umaasa pa rin si Alejano na makakuha siya ng suporta sa mga kongresista para umusad ang impeachment laban sa Pangulo. 

Balewala naman sa kongresista ang pangmamaliit ng liderato ng Kamara sa kanyang impeachment complaint subalit ang kanyang pakiusap ay basahin ang kabuuan nito bago husgahan.

Matatandaan na sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na “stupidity” ang paghahain ni Alejano ng impeachment complaint kasabay ng pagsasabi na walang porma at walang laman ang reklamo nito kaya maibabasura agad ito sa committee level pa lamang.

vuukle comment

GARY ALEJANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with