^

Probinsiya

5 teroristang Abu todas sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Limang mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnapping-for-ransom ang napaslang habang 11 namang sundalo ang nasugatan makaraang makasagupa ang tumutugis na tropa ng militar sa naganap na bakbakan sa bayan ng Indanan, Sulu noong Miyerkules ng hapon.

Sa pahayag ni Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng AFP-Western Mindanao, bukod sa limang Abu ay sugatan din ang ilang bandido na mabilis na nagsitakas.

Nabatid na nagsagawa ng pinaigting na operasyon  ang  Joint Task Force (JTF) Sulu sa pamumuno ni Col. Cirilito Sobejana  laban sa mga bandidong may hawak sa mga bihag sa kagubatan ng Barangay Bud Taran.

Gayunman, habang tinutugis ang mga bandido ay nakabakbakan ng 2nd Scout Ranger Battalion ng JTF Sulu ang grupo Abu Sayyaf.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay limang ASG ang napatay habang umabot naman sa 11 sundalo ang nasugatan.

“All the wounded soldiers were promptly evacuated to Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital and were immediately given medical attention,” ayon sa opisyal.

Sa kasalukuyan, nasa 31 na lamang ang bihag ng mga bandido matapos namang pugutan ang Aleman na si Juergen Gustav Kantner noong  Linggo (Pebrero 26) bunga ng kabiguang magbayad ng P30 milyong ransom.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with