^

PSN Showbiz

Sikat na TV personality consistent sa pagiging halimaw ‘pag oras ng trabaho!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang kuwentong ito na galing mismo sa ilang impormanteng nagtatrabaho sa isang malaking TV network. Ang istorya ay umiikot sa isang pamosong female TV personality na kilala sa pagiging terror sa kanyang mga katrabaho.

Kinatatakutan siya, marami kasing kuwentong lumalabas tungkol sa kanyang pagmumura sa linya ng trabaho at kung minsan ay nambabato pa nga ng mga kagamitan, kaya ganu’n na lang ang takot sa kanya ng mga bagito.

Gusto niya kasing maging pulido ang trabaho, talagang tinatalakan niya ang nagkakamali, bumiyahe nang malayo ang mga ganu’ng kuwento hanggang sa makarating sa mga estudyante sa kolehiyo na kailangang dumaan sa proseso ng OJT.

Kuwento ng aming source, “Natural, mahaba ang pinagdadaanang process bago ka makapag-on the job training. May interview pa, may kung anu-anong paliwanagan, hanggang sa ma-assign ka na sa isang show para maging OJT ka.

“Naku, ang mga estudyante, talagang kinakabahan sila, ayaw nilang mag-OJT sa show nu’ng kilalang-kilalang female TV personality na nababalitaan nilang super-terror! Huwag daw sana silang matoka sa show ng girl!

“Kaso, hindi naman sila puwedeng mamili, wala silang pamimilian kundi ang sundin ang assignment na ibinibigay sa kanila, ‘di ba? Pero talagang iniiwasan siya ng mga estudyante, ayaw ma-under sa kanya!” kuwento ng aming source.

Pero may mga nagtatanggol naman sa babaeng TV personality, mahigpit lang daw siya habang nagtatrabaho, pero pagkatapos nu’n ay very nice naman siya sa lahat.

“Hanggang ganu’n lang naman siya. Hindi siya namemersonal, pagagalitan ka lang niya sa nagawa mong mali habang tumatakbo ang show, pero pagkatapos nu’n, okey na uli siya. Mahigpit lang siya, nakapagsasalita siya nang madiin, pero hindi naman totoong nambabato siya ng tapes!

“OA na ang kuwentong ‘yun! Kung nagagalit man siya dahil palpak ang trabaho, e, hindi siya nananakit ng ibang tao. Siguro nga, minsan, e, naibabato niya ang mga tapes, pero hindi niya naman ibinabato ‘yun sa tao!

“Terror man ang image niya, e, malaki ang natututuhan sa kanya ng mga baguhan dahil napaka-particular niya sa disiplina at pagiging professional,” paliwanag ng aming impormante.

Ubos!

Destined To Be Yours ng AlDub nahihirapang wasakin ang batang coma

Kani-kanyang labas ng rating ngayon ang ABS-CBN at GMA-7 para suportahan ang kanilang claim kung aling programa talaga ang sinubaybayan ng publiko nu’ng nakaraang Lunes nang gabi.

Unang gabi ‘yun ng pagpapalabas ng unang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours, matagal-tagal na rin sa himpapawid ang My Dear Heart ng Dos, ang dalawang palabas ang magkasabay ang time slot.

Sa inilabas na rating ng Siyete ay panalo ang programa ng AlDub, siyempre’y panalo rin ang My Dear Heart sa pinalutang na rating ng Dos, naguguluhan tuloy ang mga manonood kung alin ba sa dalawa ang nanalo sa labanan ng rating.

Alinman sa dalawang programa ang nakakuha ng mas magandang numero ay hindi na mahalaga para pagtalunan pa, ang importante ay parehong inaaliw ng dalawang palabas ang mga televiewers, ang manonood ang panalo sa labanang ito.

Nasusubaybayan namin ang My Dear Heart na nakapalaman sa Ang Probinsyano at A Love To Last, magaling ang batang bumibida na si Heart Ramos, magagaling din ang mga artista ng serye na sina Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Rio Locsin, Rhea Atayde at ang iniikutan ng kuwento na si Connie Reyes.

Maagang hinawakan sa leeg ng palabas ang mga kababayan natin, tinutukan agad ito mula nu’ng unang gabi hanggang ngayon, mahihirapan ang AlDub na wasakin ang nakasanayan nang panoorin ng mga Pinoy.

Malakas sa mga bata ang My Dear Heart, hindi sila bumibitiw sa papel na ginagampanan ni Heart Ramos na isang kaluluwa rin, habang comatose sa ospital na minamaniobra ng doktor na si Connie Reyes.

Hindi kilig ang habol ng mga bata, wala silang interes kina Alden at Maine, ang ayaw nilang palampasin ay ang mga kabutihang ginagawa ni Heart bilang kaluluwa sa daloy ng kuwento.

vuukle comment

TV PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with