^

Probinsiya

Hipag ginilitan ng bayaw

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Pampanga , Philippines - Napatay ang 17-anyos na hipag ng kanyang bayaw matapos itong gilitan dahil sa pambu-bully sa kanyang asawa sa Barangay Cut-cut, Angeles City, Pampanga noong Sabado. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Joel C. Mariano, police station 5 commander, kinilala ang biktima na si Rose Anne Caamic ng Epza Resettlement Area sa nasabing lungsod. Arestado naman ang suspek na si Richard Garcia, 19, ng Rizal Avenue Extention sa nasabing barangay. Nabatid na nag-iinuman ang dalawa nang maungkat ang pambu-bully ng biktima sa asawa ng suspek kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo. Dito na nanlaban ang biktima kaya napilitang gilitan ng suspek. Narekober sa crime scene ang dalawang patalim at personal na gamit ng biktima. Inamin naman ng suspek ang nagawang kriminal dahil ipinagtanggol lamang niya ang sarili sa tangkang pananaksak ng biktima.

vuukle comment

HIPAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with