^

PSN Showbiz

Madali kasing ma-burn out Jericho palaging choosy sa projects

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kumpirmado nang makakasama si Jericho Rosales sa teleseryeng Against All Odds na ipalalabas na sa susunod na taon. Kasamang magbibida ng aktor sa nasabing soap opera sina Judy Ann Santos, Sam Milby, at KC Concepcion. Masayang-masaya si Jericho dahil makakatrabaho niyang muli si Juday pagkalipas ng mahabang panahon.

“Finally, magkakasama na kami ni Juday. I remember before nagkatrabaho na kami sa Esperanza. Nag-long break ako after that. ’Yun ’yung nag-concentrate ako sa music nung na-burn out ako sa acting. After that, one of the soaps na hindi ko natanggap noon was with Juday. So I kind of feel like, finally, ngayon matutuloy na ulit, makakasama ko si Juday sa soap,” nakangiting pahayag ni Jericho.

Masuwerte raw siya dahil sa kanya napunta ang role na dapat ay sa ibang aktor.

“’Yung character ko papasok sa second week ng soap. It was originally for someone else. Unfortunately, parang the artist couldn’t handle, then they offered me the role. Ini-explain nila kay Tita Angeli (Panglinan-Valenciano, manager ng aktor). Sabi ko, ‘Interesting. Okay, game!’ Iba siya sa mga character ko noon,” kuwento ni Jericho.

Mapili raw talaga ang aktor sa lahat ng mga proyektong kanyang ginagawa kaya medyo natagalan din bago niya tinanggap ang bagong serye.

“Ako naman I choose my projects really well. Kapag malaking panahon ang igugugol ko, it’s important to me, kasi hinahanapan ako ng mga tao. ‘Wala ka bang teleserye?’ Kasi that’s their gauge of being visible so I understand that. But for me, whether it’s an album or a teleserye, or a concert, ganon ako eh, mapili talaga ako,” giit pa ni Echo.

VENUS MAGPAPAYAMAN MUNA BAGO MAGPAKASAL

Isang taon na ngayong magkarelasyon sina Venus Raj at Andrei Felix. Magkasundung-magkasundo raw sina Venus at Andrei sa maraming bagay kaya mahal na mahal nila ang isa’t isa. Kahit naipakilala na sa mga magulang ng bawat isa ay hindi naman nangangahulugang balak nang lumagay sa tahimik ang magkasintahan.

“Siguro when I’m rich na,” natatawang bungad ni Venus. “Not now kasi galing ako sa hindi naman sa super hirap pero mahirap na pamilya. Ang gusto ko, kung magse-settle down ako ng sarili kong pamilya, ayoko ng hindi ako sure kung may ipagpapa-aral ako sa mga anak ko. Hindi ko sure na kaya ko siyang buhayin, kaya ko ibigay lahat ng gusto niya. I want to make sure kung magkakaroon ako ng sarili kong pamilya, hindi ko na poproblemahin ang pang-tuition ng anak ko every semester,” paliwanag ng beauty queen. Alam naman niyang Andrei is not getting any younger.

“Pero mahirap magpakasal nang gagastusin mo pa lang kulang ang isang milyon. Siguro sa ngayon work muna. Hindi naman mawawala ’yun, darating at darating ’yan,” pagtatapos ng dalaga.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AGAINST ALL ODDS

AKO

ANDREI

ANDREI FELIX

JERICHO ROSALES

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

SAM MILBY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with