^

Punto Mo

Isla Paraiso (146)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALAM mo, kahit marami akong pera, hindi ako marunong mag-share noon. Wala akong pakialam kahit maraming hindi kumakain, maraming mahihirap, maraming maysakit, maraming may problema, maraming hindi nakakapag-aral. Wala akong pakialam noon sa aking kapwa. Basta ang alam ko e marami akong pera at iyon ay para sa akin lang….’’ sabi ni Sir Alexis at pagkaraan ay tumana sa labas ng kubo. Tinanawa ang kaparangan.

Si Marikit naman ay nagsusulat nang mga mahahalagang sinabi ni Sir Alexis. Natatandaan niya ang lahat nang sinabi ni Sir Alexis at hindi iyon mabubura kahit na ano pa ang mangyari.

“Ang katwiran ko noon, bakit ako magbibigay o tutulong sa kapwa e pinaghirapan din naman ang namana kong pera at ari-arian. Bago napasakamay ng aking mga magulang ang ipinamana sa akin, marami silang dinanas na hirap kaya bakit ako tutulong. Wala sa bokabularyo ko ang pagtulong nun. Ibang klase ang pag-iisip ko nun. Tanging ang sarili ko lamang ang alam ko. Pawang sa pansarili lamang ang iniiisip ko at wala nang iba pa.’’

“Kailan mo po naisip na mali pala ang nagawa mo, Sir Alexis?’’

“Noon ngang lumubog ang barko at napadpad ako rito sa Isla at nailigtas n’yong maglolo. Yun ang simula nang pag-transformed ko. Noon ko nalaman na mali ang ginagawa ko.’’

“Kung hindi ka po napadpad dito, sa palagay mo, nagbago na ang ugali mo. Sa palagay mo po nag-transformed ka rin.’’

“Palagay ko hindi. Patuloy pa rin siguro ako sa masamang ugali, walang pakialam, walang awa, walang damdamin at walang pakikipagkapwa.’’

“Talaga pong nakatakas ka na sa tila bangungot na buhay na iyon, Sir Alexis?”

“Oo.’’

“At sa palagay mo po, hindi ka na babalik sa ganoong klase ng pag-iisip o buhay.’’

“Hindi na. Ipamamahagi ko na nga ang ari-arian ko at pera. At alam mo kung kanino ko ibibigay?’’

“Alam ko po?’’

“Talaga? Kanino?’’

Ngumiti si Marikit.

Naghihintay ng sagot si Alexis.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with