^

Punto Mo

‘Strongman’ ng Ukraine, kinakarga ang mga kabayo upang ipamalas ang lakas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAKITA ng isang champion powerlifter mula sa Ukraine na puwede rin palang sakyan ng kabayo ang tao.

Upang maipamalas kasi ang kanyang pambihirang lakas ay nagkakarga ng kabayo ang tinaguriang Ukrainian ‘strongman’ na si Dmytro Khaladzi.

Katulad ng ibang powerlifters ay nagpapakitang gilas si Dmytro sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa truck, pagbaon ng pako sa tabla gamit lamang ang kanyang palad , at pagbali sa bakal gamit ang kanyang panga.

Sa kabila ng lahat ng ito ay ang pagkarga ni Dmytro sa mga kabayo ang nagbigay sa kanya ng kasikatan. Naging viral kasi sa Internet ang mga video na nagpapakita kay Dmytro habang may pasan-pasan siyang kabayo sa kanyang mga balikat.

Madalas ay pumapalag ang mga kabayo   lalo na’t hindi naman sanay ang mga ito na kinakarga kaya naman tinatalian ang binti  ng mga ito upang hindi sila masyadong maglikot habang sila’y buhat-buhat ni Dmytro.

Sinasabing may hawak na 63 world records si Dmytro bilang isang powerlifter at inaasahang madadagdagan pa ito lalo na’t wala pa siyang naitatalang  world record ukol sa ginagawa niyang pagbuhat sa mga kabayo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with