^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakit ititigil ang MRT-3 operations?

Pang-masa
EDITORYAL - Bakit ititigil ang  MRT-3 operations?

DATI ay pagtirik lamang o kaya ay bumubukas na pinto ang reklamo sa Metro Rail Transit (MRT-3) pero noong nakaraang linggo, shocking na ang nangyari. Parang eksena sa maaksiyong pelikula na humiwalay ang bagon sa train body. Tuluy-tuloy ang train at naiwan ang bagon na punumpuno ng pasahero. Nasa mukha ng mga pasahero ang pag­kabahala habang pinagmamasdan ang train na patuloy na tumatakbo (northbound). Nangyari ang pagkalas ng bagon dakong 9:00 ng umaga sa pagitan ng Aya­la Station at Buendia Station. Dahil sa pangyayari, pinababa ang mga pasahero at pinaglakad pabalik sa Ayala Station. Halos isang oras naantala ang mga pasahero dahil sa pagkalas ng bagon.

Hindi malaman ng mga opisyal ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) kung paano ipaliliwanag ang pangyayari. Sa huli, sinabi nilang maaaring sabotahe ang nangyari sapagkat hindi maaaring makalas na basta-basta ang bagon sa mismong katawan ng train. Mahirap paniwalaan ang nangyaring pagkalas na ngayon lamang nangyari. Hindi raw nila isinasaisantabi ang sabotahe sapagkat marami umano ang nagagalit sa MRT-3 mula nang mapalitan ang maintenance provider nito. Kamakailan, inalis na ng MRT-3 ang kompanyang BURI na nagpo-provide ng maintenance sa train. Ang kapalpakan ng BURI ang naging dahilan para tapusin ang kontrata na sana’y sa 2019 pa matatapos.

Noong Martes, naghatid ng takot sa commuters ang pagkahulog ng isang babae sa riles habang nasa Ayala Station. Nahilo ang babae at nahulog. Nahagip ng train ang kanyang braso at naputol. Nasaklolohan ang babae at naibalik muli ang naputol na braso. Pinuna ang kawalang-kahandaan ng MRT-3 personnel sa pagdalo sa biglaang pangangailangan.

Minumungkahi naman ang pagpapatigil sa operas­yon ng MRT-3 para raw matutukan ang pagsasaayos ng mga ito.

Hindi ito ang solusyon. Iisa lang naman ang kumalas na bagon, bakit ititigil lahat ang operasyon. Mas maganda kung isasagawa ang pagsasaayos ng MRT-3 kung Sabado at Linggo na walang pasok sa opisina. Huwag ititigil lahat ang operasyon dahil lalong mahihirapan ang commuters.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with