^

Punto Mo

Pagdarasal bago kumain

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG araw, dinalaw ng probinsiyanong matandang magsasaka ang kanyang kaibigan na taga-Maynila. Dati rin probinsiyano ang taga-Maynila ngunit simula ng maging milyonaryo ay hindi na bumalik sa probinsiya. Ang pagdalaw ng magsasakang kaibigan ay bilang tugon sa matagal nang imbitasyon ng kaibigang milyonaryo.

Isang masaganang hapunan ang inihain ng mga katulong sa magkaibigan. Nagsisimula nang sumubo ang milyonaryo pero napansin nito na nakapikit pa rin ang magsasaka habang magkadaop ang dalawang palad na tila nagdadasal. Nang matapos ang pagdarasal at pareho na silang kumakain ay biniro ng milyonaryo ang magsasaka:

“Hanggang ngayon pala ay old fashion ka pa rin kumpare”

“Old fashion? Saan ako naging makaluma?” nagtataka ang magsasaka sa ibig sabihin ng kausap

“Nagdadasal ka pa rin ngayon bago kumain. Makabago na ngayon ang panahon at sa palagay ko ay marami sa ating mga kababaryo ang hindi nagdadasal bago kumain.”

“ A, Oo, marami sila na talagang hindi nagdadasal simula noon hanggang ngayon.”

“ Oww? Kagaya ko na hindi nagdadasal bago kumain? Sino-sino sila?” naiintrigang tanong ng milyonaryo

“Mga alaga kong baboy…”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with