^

Punto Mo

Pizza Delivery Boy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MALUNGKOT siya dahil malapit na siyang mawalan ng trabaho. Contractual lang siya sa pinagtatrabahuhan. Manga-nganak pa naman ang misis niya sa kanilang panganay.

Nagtrabaho sa isang pizza restaurant si JJ at siya ang taga-deliver ng order. Minsan sa sobrang trapik, pasado alas nueve ng gabi siya dumating sa bahay ng umorder ng pizza. Malakas ang ulan noon at nagpasabi na ng maaga ang supervisor ni JJ sa kostumer na isang oras at kalahati ang aabutin bago makarating ang order nilang pizza.

Madilim ang lugar na kinaroroonan ng bahay kostumer. May poste sa bawat kanto pero iilan lang ang may ilaw. Magkakalayo ang bahay. Subdivision na naturingan sa Quezon City pero hindi pa maayos ang kalsada. Baku-bako ang daan. Natatakot si JJ na baka mabutas ang gulong ng motorsiklo. Kapag nabutas iyon, katakut-takot pang paliwanag sa management ang kailangan niyang gawin.

Nang nasa tapat na siya ng bahay ng kostumer, ipinara niya sa tabi ng kalsada ang motorsiklo. Tamang-tama na may naaninag siyang tao na parang may umaakyat sa bakod ng katabing bahay ng kanyang kostumer. Maya-maya ay tumalon ito papasok sa bakod nang maramdaman nito ang pagdating ng kanyang motorsiklo.

Kumatok siya sa gate ng kostumer. Pagkabigay ng bayad sa pizza, pabulong nitong sinabihan ang kostumer na may nakita siyang kahina-hinalang tao na umakyat sa bakod ng kapitbahay at tumalon sa loob. Kaagad inalerto ng kanyang kostumer ang kapitbahay sa pamamagitan ng pagtawag sa cell phone. Ang kapitbahay naman ay agad tumawag ng mga pulis. Hindi na nasaksihan ni JJ ang sumunod na pangyayari dahil umalis na siya. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with