^

Punto Mo

Bata sa France, nagkunwaring kinidnap upang makatakas sa pagpunta sa dentista

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 12-taong gulang na batang lalaki sa France ang nagawang magkunwari na siya’y kinidnap para lang makaiwas sa pagpunta sa dentista.

Nagsimula ang kakaibang kuwento nang matagpuan ng mga pulis ang bata na nagpapalabuy-laboy sa bayan ng St. Gervais. Dinampot nila ang bata na nagsumbong kaagad ukol sa pagkaka-kidnap daw sa kanya sa kalapit na bayan ng Bagnols.

Ikinuwento ng bata sa mga pulis ang ginawang pagdukot daw sa kanya ng isang lalaki habang siya ay papunta sa kanyang naka-schedule na appointment sa dentista. Pilit daw siyang isinakay ng salarin sa kotse nito matapos siya nitong pagtanungan ng direksyon. Inilarawan pa ng bata ang itsura ng salarin, na ayon sa kanya ay maskulado na may katamtamang tangkad at may malaking peklat sa mukha.

Kuwento ng bata, nakatakas lamang siya nang tumigil ang sasakyan ng kanyang kidnapper sa St. Gervais.

Sineryoso naman ng mga pulis ang sumbong ng bata kaya nagsagawa ang mga ito ng masusing imbestigasyon sa pangyayaring inilahad sa kanila. Ngunit matapos nilang siyasatin ang mga CCTV sa lugar at wala silang napansin na kakaiba ay nagsimula na silang maghinala sa kuwento ng bata.

Ipinatawag nila ang bata upang muli siyang kuwestiyunin sa totoong nangyari. Noon na inamin ng bata na ginawa lamang niya ang kuwento upang makatakas sa pagpapa-dentista.

vuukle comment

BAGNOLS

BATA

DINAMPOT

IKINUWENTO

INILARAWAN

IPINATAWAG

KUWENTO

NAGSIMULA

NGUNIT

ST. GERVAIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with