^

PSN Showbiz

Maja naiinggit sa mga may pinag-aralan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay dinalaw ni Maja Salvador upang magbigay kasiyahan ang mga bata ng Ephesus Home for Girls na matatagpuan sa Guiguinto, Bulacan. Malapit daw talaga sa puso ng aktres ang mga batang naabuso at naabandona na kanyang nakilala pitong taon na ang nakalilipas. 

Nakahuhugot ng lakas si Maja mula sa mga bata sa nasabing foundation. “Na-experience ko ‘yung hindi kumpleto ‘yung pamilya, kung puwede mo lang i-share lahat ng blessings na mayro’n ka,” bungad ni Maja. 

Maraming mga bata sa Ephesus ang humahanga at umiidolo sa aktres kaya may payo si Maja para sa mga ito. “Sabi ko ‘yung education is importante. Kung may kinaiinggitan ako sa kanila is education. Dahil sila bata pa at may chance na mag-aral sila,” giit ng dalaga. 

Samantala, nakatakdang pumunta si Maja sa Canada upang makasama ang pamilya ngayong Pasko. Matagal na raw nami-miss ng dalaga ang ina at ang mga pagkaing niluluto nito. “To be with my family, ‘yon lang talaga, simple lang. Saka ‘yung luto ng mommy ko, gusto ko ng sopas, ‘yon lang ang hinihingi kong lutuin niya,” pagtatapos ng aktres.

Karla nahihiya nang ipangalandakan ang lovelife 

Masayang-masaya si Karla Estrada sa kanilang relasyon ng non-showbiz boyfriend na si Mark Yatco. Ilang taon nang magkasintahan ang dalawa pero hindi masyadong nakapagkukuwento ang aktres tungkol sa nobyo. 

“Nahihiya ako eh. Kasi apat na beses akong nagkamali sa desisyon ko. Hindi ‘yung pagkakaroon ng anak ha, dahil hindi pagkakamali ‘yon, regalo ng Panginoon ang anak, ‘yung pagdedesisyon na dapat ganito. Inuuna ko kasi lagi ang sarili ko na dapat masaya ako dahil in love ako. ‘Yon ang mga experiences ko na feeling ko itatago ko na lang para sa akin,” paliwanag ni Karla. 

Hindi na raw iniisip ng aktres kung ano man ang sinasabi ng mga tao sa tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Hindi naman na ako matitibag dahil ano pa ba ang puwedeng tumibag sa akin kundi ang damdamin na lang ng mga anak ko ang importante sa akin,” dagdag pa niya. 

Pagdating sa pakikipagrelasyon ay talagang natuto na si Karla dahil sa mga ama ng kanyang mga anak. “Gawin mo na lang pribado ang buhay pag-ibig dahil kapag nagkamali, kasama ang lahat na huhusgahan ka. Kapag hindi naging successful, pagpipiyestahan ka,” nakangiting pahayag ni Karla. 

Ang mahalaga sa ngayon ay maganda ang pakikitungo ni Mark sa lahat ng anak ng aktres. “Okay sila, ang sinabi kokay Mark, hindi maibibigay ‘yung full time nila. Ang importante, inirerespeto ka nila at gusto ka nila dahil siyempre ‘yung mga anak ko, buhay naman ang kani-kanilang mga ama sa buhay nila. Ang importante lang, bibigyan nila ng respeto si tito Mark nila,” pagbabahagi ni Karla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with