^

PSN Showbiz

Barbie mas napansin sa pelikula nila ni Ken! Barbie mas napansin sa pelikula nila ni Ken!

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukod sa KenBie fans na dumagsa sa premiere night ng pelikulang This Time I’ll Be Sweeter na ginanap sa Cinema 7 ng SM Megamall nu’ng isang gabi, nagdatingan din ang mga  kasamahan nila sa GMA Artist Center at Meant To Be.

Kaya tuwang-tuwa sina Barbie Forteza at Ken Chan sa suportang ibinigay sa ka­nila. Wish nilang lalo itong suportahan sa showing nito nga­yong araw.

Si Barbie ang pinuri sa naturang pelikula kaya pagkatapos ng premiere night ay nag-iisip na si Mother Lily Mon­teverde ng isusunod niyang pro­ject para kay Barbie. Parang type raw niyang subukang i-partner si Barbie sa isang Kapamilya young actor.

Sino kaya ang bagay?

PAK: Tuwang-tuwa naman si Alessandra de Rossi sa magandang feedback ng pelikula niyang 12 na magsu-showing na rin nga­yong araw. Kinu-consider ni Alessadra na experimental ang isinulat niyang pelikula na ang buong kuwento ay nangyari lang sa loob ng bahay nila ng leading man niyang si Ivan Padilla.

Sabi ng aktres, dumating na raw siya sa puntong  puwede na siyang mamili ng project na gusto niyang gawin. Hindi raw kagaya dati na kahit hindi niya type ang role, pikit mata niyang ginagawa dahil may mga hinahabol siyang bayarin. Ngayon daw ay puwede na siyang tumanggi dahil may iba na siyang puwedeng gawin, ang pagsusulat at ang susunod ay ang pagdidirek ng  pelikula.

“Gusto ko dumating na sa point na ‘ay ayokong gawin yan, marami pa akong ginagawang may sense. ‘Yung ganun.

“Hindi ka kailangang sa harapan ka ng ca­mera, ‘yung puwede ka nang mag-direk, magsulat,” pahayag ni Alex.

BOOM: Baby T muna ang tawag nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang baby girl na iniluwal ni Mrs. Sotto kamakalawa ng madaling araw. Ayaw naman naming pangunahan sina Pauleen dahil gusto niya, sila na muna ang magsabi kung ano ang napili nilang name para sa kanilang baby girl.

Sabi lang ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account, basta me­ron daw Lita sa name nito. May ilang netizens na nahulaan kung ano ang name. Nag-Google na lang kami at ang ibig sabihin ng name ay “little girl” na hango sa Gospel ni Mark sa Bible.

Sabi naman ni Pauleen, sa Bible siya maghahanap ng ipapa­ngalan sa kanilang baby na dadagdagan na lang ng Maria.

Tuwang-tuwa naman si Pauleen na i-text sa ­aming kamukha raw ng Daddy niya ang baby. Sabi ng Mommy ni Pauleen na si Mommy Chat, kamukha nga raw nilang mag-asawa ang baby at tabachingching pa raw ito.

Enjoy din si Bossing Vic kapag tinutukso siyang matinik pa rin ito at nakakabuo pa siya. Feeling nga raw niya nanganganay na naman siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with