PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Elmo sopla pa rin kay Janella

Elmo Magalona

May bulung-bulungan na opisyal na diumanong magkarelasyon sina Janella Salvador at Elmo Magalona. Ayon naman sa aktor ay talagang hindi pa niya karelasyon ang dalaga. “Hindi pa, hindi (ko pa siya nililigawan). Gusto ko umabot sa gano’n,” bungad ni Elmo. 

Hindi raw nagmamadali ang aktor sa panliligaw kay Janella dahil sa ilang mga bagay. “Siyempre Janella is hindi naman siya… super bata pa, pero hindi pa iyon ang priorities niya. I respect that naman. Hindi ko siya minamadali, but I’m just happy na we are both happy,makahulugang pahayag ng binata. 

Wala raw kinalaman ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio kaya hindi pa sila magkasintahan ng aktres. Matatandaang napabalita kamakailan na hindi umano boto si Jenine kay Elmo para sa anak. “Hindi, no. Si Janella talaga, hindi pa siya ready to be in a relationship and I totally understand that. I don’t want to take advantage or to ruin it. We are good friends. Ako I want to spend most of my time with her kapag kaya,pagtatapos ni Elmo.

Beauty napahanga ni AiAi

Isa si Beauty Gonzalez sa mga bida ng teleseryeng Pusong Ligaw na napapanood tuwing hapon sa Kapamilya network. Tumatatak sa mga tagahanga ang mga eksenang drama na ginagawa ng aktres sa nasabing serye. 

Nagpapasalamat si Beauty dahil nakasama rin siya sa pelikulang Bes and the Beshies na pinagbibidahan naman ni AiAi delas Alas kahit abala sa taping ng serye. Mabuti raw na nakapagpapahinga si Beauty sa mga mabibigat na emosyon sa kanyang serye. “Maganda nga ito na ‘yung nakahinga ako sa ginagawa kong drama sa Pusong Ligaw. Pero siyempre mas gusto ko pa rin talaga ang comedy. Kasi natural ko na ‘yon, parang automatic na siya kaysa drama na nahihirapan pa rin ako but ngayon nadadala ko na rin naman siya. kumbaga kaya ko nang gawin,” paliwanag ni Beauty. Isang malaking karangalan daw para sa aktres na makatrabaho ang Comedy Queen. “Pangarap ko talagang makatrabaho siya. Kasi I’ve been doing comedy and TV for almost 10 years na. Now, I finally got to work with one of the best ones. So parang nabawasan na ‘yung bucket list ko,” nakangiting pahayag ng aktres.

Napahanga rin si Beauty sa pagiging magaling na aktres ni AiAi. “Mabilis siyang mag-isip. And then, tahimik lang siya pero ino-observe niya lahat ng mga tao. And ‘yon talaga, when you’re a comedian, kailangan mabilis ang pick-up mo.. And that’s what she has at hindi ko ‘yon nakikita sa iba. Hindi siya bastos, ‘yung nakakatawa lang talagang pakinggan which is nice,” giit pa ni Beauty..

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: