^

PSN Showbiz

Nadine ibinunyag ang ginagawa kaya no. 1 sa paseksihan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na buntis na diumano si Nadine Lustre sa ka­sintahang si James Reid. Tinawanan lamang ng aktres nang mabalitaan ang tungkol sa isyung ibinabato sa kanya ngayon.

“Hindi ko po alam. Baka pagkain lang po ‘yung nasa loob ng tiyan ko,” natatawang pahayag ni Nadine.

Isa ang dalaga sa nasa listahan ng isang men’s magazine bilang pinakaseksing Pinay ngayon kaya kapag may pagkakataon ay nagwo-workout si Nadine. “Nagyi-gym po ako pero hindi siya regular. Controlled eating lang po ako talaga,” giit ng aktres.

Kontrobersyal si Nadine ngayon dahil sa pagsagot nito sa ilang bashers sa social media. May ilang mga bagay daw talagang hindi kayang palampasin ng aktres. “May times na dedma ka lang, may times din talaga na kailangang mag-speak up ka,” makahulugang pahayag ni Nadine.

Samantala, masayang-masaya si Nadine sa kanyang ginagawa bilang isa sa mga host ng It’s Showtime. Noong isang buwan pa lang nagsimula ang aktres sa nasabing noon time show pero marami na raw siyang natututunan mula sa mga kasamahang hosts at sa madlang pipol. “Maging open ka lang sa lahat ng sasabihin mo. Siyempre nakaka-relate ka sa iba’t ibang klase ng tao. Nakaka-relate ako kina Vice (Ganda), natututo ako mag-host,” pagbabahagi ng dalaga.

Shaina may sakit ng nagme-menopause

Nagkakasakit na raw si Shaina Magdayao dahil sa sunod-sunod niyang trabaho para sa teleseryeng The Better Half. Maging ang immune system ng dalaga ay naging mahina na rin dahil sa lahat ng kanyang ginagawa. “Sa sobrang nadadala (sa emosyon), pati immune system ko inabot na. Kasi stressed talaga ‘yung katawan namin sa totoong buhay. Kung anu-anong tumutubo at namamaga sa mukha ko. And first time siyang nangyayari,” bungad ni Shaina.

Na-diagnose ng hypothyroid ang aktres dalawang taon na ang nakararaan. “Sakit siya ng nagme-menopause. Siguro kasi I started working at a very young age. Walang enough tulog, puro puyat. Tapos no’ng January, namamaga ‘yung lips ko. So meron akong angioedema and urticaria. So lahat ng espesyalista, ‘yung immunologist, nagpa-checkup na ako. Kasi hindi namin alam kung ano ang nangyayari. That time, nagti-taping kami sa Baguio and hindi nila ako mapababa ng Manila kahit na ini-injection-an ako ng pampatulog, ng anti-histamine. So parang six hours, pinatulog ako, nag-subside ‘yung lips. But we don’t know, kasi parang sabi namin bakit gano’n, parang bumabagsak ‘yung immune system. Kasi nga naman, sobrang pagod ko talaga sa show na ‘to. Sobra kasi ‘yung puyat, emotionally draining, physically draining. So I guess kaya lumabas ‘yung mga sakit,” pagdedetalye ni Shaina.

Aminado ang dalaga na ngayon lamang siya nahirapan nang sobra sa karakter na kanyang ginagampanan sa serye kaya kapag may panahon ay nagre-relax siya. “Ito na yata ang pinakamahirap na show na ginawa ko. ‘Pag walang taping, nagre-relax ako. Nagwo-workout, kailangan may gano’n kasi nai-stress and ‘yung stress, pumapasok siya sa sistema ko. Kasi hindi mo pwedeng pekein ang show na ito,” pagtatapos ni Shaina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with