^

Kutob

Pebrero 26, 2017

KUTOB - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Laging mabuti ang dulot ng pagmamahal. Dahil ang pinagmula nito ay mabuting Manlilikha. Purihin at pasalamatan siya sa dakilang pag-ibig niya sa sanlibutan.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang Cancer ang magbibigay ng suwerte o ligaya subalit isang Gemini ang magiging problema mo. Hangga’t maaari iwasan pangsamantala ang mga kilalang Leo dahil kapag may hindi pagkakaunawaang naganap, hahantong sa matagalang tampuhan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 13, 31 at Red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung ang kasama ay isang Pisces, magiging aktibo sa pagkilos, masayahin at maraming matutuhan. Kung isang Sagittarius o Taurus ang makakasama hindi magkakaunawaan at tampuhan ang kahihinatnan. Kung mag-isa ng buong araw, maraming magagawa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at Sky Blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Salubungin ng matamis na ngiti at pagbati ang umaga. Subalit may oras na matatakpan ito ng makapal at madilim na ulap. Magiging masungit at mainitin ang iyong ulo na dapat iwasan. Malamang makapagsalita ka na ikasasakit ng damdamin ng kapwa, dapat itong iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 19, 22 at Yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May maganda at kapa­ngitang lilitaw tungkol sa iyong pribadong relasyon, ngunit huwag mabahala at sa huli ikaw ang magwawagi kung iiwasan ang mga taong tsismosa at mapanira. Maipapakita ang paninindigan at pagkatao. Lucky numbers at color for the day ang 15, 16, 36, 37 at Light Gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa pagkilos, pananalita at paggawa upang maiwasan na makasakit ng kapwa at magkamali. Madali mong makukuha ang gusto kung ipagtatapat sa kinauukulan. Iwasan ang magpadalus-dalos sa desisyon para hindi magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 11, 26, 28, 39 at Cream o White.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Ang suwerte minsan lang kakatok sa pintuan at kung hindi papansinin, hindi na babalik kailanman. Maging handa kung anuman ang darating at kung inaakalang ikakabuti o ikakaunlad, sunggaban at huwag bigyan ng pagkakataong makakawala. Magiging maunlad ang negosyo o pangangalakal. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 14, 41 at Sky Blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung may nagkasakit, huwag mag-atubiling isugod kaagad sa pagamutan para hindi maging huli ang lahat. Kung walang nagkasakit sa pamilya, tiyak kasaganahan at kaligayahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 25, 35 at Aqua Blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Araw ay magiging magaan sa lahat ng bagay. Ang nakalimutang pangako ay tiyak maisasakatuparan. Iwasan ang maglakbay, maglasing, magsugal, makipag-date at mga barkada dahil malapit sa iyo ang disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 1, 3, 34, 40 at Yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malamang magkaroon ka ng bagong pag-ibig o manliligaw. Isang Leo ang magbibigay ng dahilan para sa iyong kasiyahan subalit isang Cancer naman ang magiging sakit ng ulo. Kailangan mong maging matatag dahil may sitwasyong susubok ng iyong katatagan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 10, 23, 32 at Neon Green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung gumawa ng kabutihan, kabutihan din ang daranasin. Subalit kung gumawa ng kasamaan, kasamaan ang mapapala. Ang gantimpala at paniningil sa’yo ngayon huwag ipagtataka. Lucky numbers at color for the day ang 13, 31, 39, 42 at Pink.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung may tipanan huwag maging mainipin dahil ang kausap ay maaabala sa pagdating. Ang anumang transaksyong gagawin ay dapat pag-aralang mabuti bago pumalaot. Iwasan ang mangutang o magpautang dahil matagal bago mabayaran. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 24, 34 at Dollar Green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Palampasin ang maririnig na salitang  makakapikon o makaka-asar dahil inggit ang ugat nito. Huwag patulan ang anumang mga salitang masakit sa tainga para makaiwas sa gulo o makasakit ng damdamin ng kapwa. Tawanan ang problema at tiyak babawi  ng doble sa susunod. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 39, 41 at White.

 

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with