^

PSN Showbiz

Madonna problemado sa anak, nakabili ng ticket sa kanyang concert kabado!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang concert ni Madonna sa Mall of Asia at wish ko lang, nakabili na ng tickets ang isang alaga ko na may reregaluhan ng expensive concert ticket ng Queen of Pop na problematic dahil nahuli na humihithit ng marijuana ang teenager na anak niya na si Rocco na nababarkada sa mga nakatatanda sa kanya na kuwestyonable ang mga karakter.

Inilalaban ni Madonna ang karapatan na makuha ang custody ng bagets mula sa kanyang ex-husband na si Guy Richie.

Sana lang, hindi maging isyu ang malaking problema ni Madonna para kanselahin niya ang kanyang concert tour sa Asia.

Naranasan ni Madonna na maging wild noong bagets pa siya kaya alam niya ang epekto sa katawan at utak ng masasamang bisyo.

Panday magkakaroon din ng advance screening

Nine p.m. ang timeslot ng Bakit Manipis Ang Ulap? mula ngayong gabi hanggang February 26.

Pero may pagbabago kapag nagsimula sa February 29 ang Ang Panday ni Richard Gutierrez dahil ilalagay sa 9:30 pm ang oras ng teledrama nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, at Cesar Montano na magpi-premiere ngayong gabi na walang commercial break.

Gaya ng Bakit Manipis Ang Ulap?, magkakaroon ng special screening ang Ang Panday sa susunod na linggo.

Sasabihin ko agad ang venue ng special preview ng Ang Panday para sa kapakanan ng mga gustong makita nang personal si Richard at ang ibang cast members ng modern version ng classic novel ni Carlo Caparas.

Marian iiwan ang baby tuwing Linggo 

Good news para sa fans ni Marian Rivera ang announcement na babalik na siya sa Sunday PinaSaya sa susunod na Linggo.

Halos apat na buwan din na hindi napanood si Marian sa Sunday noontime show ng GMA 7 mula nang mag-maternity leave siya.

Na-miss si Marian ng kanyang fans, pati na ang segment niya na Judge MD.

Three months old na si Baby Letizia, ang panganay nina Marian at Dingdong Dantes. Once a week lang ang Sunday PinaSaya at sandali lamang mawawala sa bahay si Marian kaya mapapanood na uli siya sa top rating show ng GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with