^

PSN Showbiz

Pero ayaw pa ring umamin Dennis at Jennylyn parehong todo-rampa Amsterdam

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Priority na nga talaga ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang public service dahil dito na raw talaga siya naka-focus at naisantabi na ang showbiz.           

Sabi niya, Vice Mayor pa lang siya ng Maynila at wala na siyang oras para mag-artista dahil tala­gang nagpursige raw siyang magtrabaho habang na­nu­nungkulan ito sa Maynila. Kaya wala sa plano niya ang bumalik sa pag-aartista.

“Hindi naman nadadaan lang sa pa-cute lang eh,” pakli ni Isko. Kailangan naman daw niyang mapatunayan sa lahat na hindi lang ganda ng mukha nai­dadaan kundi trabaho.

Kaya kung matuloy man daw siyang mahalal bilang senador, lalong wala na siyang panahong bu­malik sa pag-aartista.

 “Gusto ko naman mai-prove na kung sakaling mabigyan ako ng pagkakataon, I would rather focus on serving our people.

 “Kung nakita n’yo ko sa telebisyon, most likely nagpa-in­terview,” sabi pa ni Isko.

PAK: Nakasanayan na raw ni Ken Chan ang ayos Destiny Rose dahil halos araw-araw ay ganun ang ayos niya.

Nang mag-guest nga ito sa CelebriTV na in-interview ni AiAi delas Alas, napakaganda nito at talagang kilos-babae na siya.

 “Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nakaganito ako, kaya nakasanayan ko na rin.

 “From 6 a.m. hanggang kinabukasan ay ganito ang ayos ko. Pati nga ang mag-ipit ay nakasanayan ko na rin. Kasi mahalata talaga pag di ko inipit,” natatawang tsika ni Ken.

Natatawa raw ang non-showbiz girlfriend niya kapag nakikita siyang naka-ayos Destiny Rose dahil aminado raw itong girlfriend na mas maganda ito kesa sa kanya.

BOOM: Naglabasan na sa ilang websites ang kuwento na magkasama sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Ams­terdam.           

Pareho silang nagpu-post sa kanilang Instagram account, pero wala silang kuha na magkasamang dalawa.

May isang kuha lang si Dennis na parang si Jennylyn ang nakatalikod.

Hindi kami sinagot ni Jennylyn bago ito umalis kung kasabay nga ba niya si Dennis na pupunta ng Europe.           

Magkasama pa silang nanood ng concert ni Regine Velasquez nung nakaraang linggo, at ang narinig namin nauna lang si Dennis na umalis, at sumunod daw si Jennylyn.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS TRILLO

DESTINY ROSE

ISKO

ISKO MORENO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAYA

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with