^

PSN Showbiz

Female personality marunong kumilatis ng kakaibiganin kaya natupad lahat ng ilusyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Apiran nang apiran ang mga magkakaumpukang showbiz personalities habang tinututukan nila ang FB account ng isang female personality.

Ibang-iba na raw kasi ang mundong iniikutan ngayon ng nasabing babaeng personalidad, sumobra na ang kanyang pagle-level-up, mga who’s who na ng lipunan ang kanyang mga nakakasalamuha.

‘Yun ang impluwensiya sa kanya ng isang sikat na female personality, paborito siyang kasa-kasama nito ngayon, kung saan-saang restaurant sila kumakain at kinakaray rin siya ng pamosong aktres-TV host sa kung saan-saan.

Kuwento ng isang beki sa umpukan, “Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati, e, pinapangarap lang niyang makakain sa mga restaurant na pinupuntahan niya ngayon. Puro pangarap lang ‘yun.

“Pero dahil alam niya kung sinu-sino ang mga kakaibiganin niya, ngayon, kita n’yo naman, regular customer na siya ng mga resto na hindi niya afford ang presyo ng mga lafang!

“Magaling siyang kumilatis ng mga kakaibiganin niya, alam niya kung sino ang bibigyan niya ng panahon. Isang maliwanag na social climber ang hitad na babaeng ‘yun!” nakataas ang kilay na kuwento ng source.

Kaya pala kahit ilang segundo lang ay hindi man lang niya mabigyan ang mga taong napakalaki ng naitulong sa kanyang pamilya nu’ng walang-wala pa siya. Wala na siyang panahon para sa mga ito dahil puro kilalang pangalan na sa lipunan ang kabungguang-siko niya ngayon.

Sabi naman ng isa pang source sa umpukan, “Nakow, huwag siyang pakakumportable sa kinauupuan niya, ha? Spaghetting pababa na ang career ng taong nag-angat ng buhay nila. Kahit sa mga provincial shows, hindi na umuulit ang mga show promoters sa bagets, dahil napakamahal daw ng talent fee, pero ‘yun at ‘yun lang din naman ang ipinakikita!”

At sa pagsasarado sa kanilang pulung-pulong ay isa lang ang sinabi ng impormanteng aabot hanggang kisame ang pagtaas ng kilay, “Aanhin mo ang mansiyon, kung nagmumura naman ang balakang mo’t puson!”

Ubos!

Yaya Dub walang kaartehan sa katawan

Halos wala nang panahon na puwedeng angkinin si Maine Mendoza sa kanyang maghapon. Nasa kalyeserye siya ng Eat Bulaga sa tanghali hanggang hapon, bumabaklas siya agad dahil meron siyang TVC shoot, inaabot ‘yun nang hanggang madaling-araw na kinabukasan.

Maraming malalaking kumpanya ang nakikisakay sa kasikatan ngayon nina Alden Richards at Yaya Dub, kaliwa’t kanan na ang patalastas nila ngayon, sila na ang sumusuko sa mga imbitasyong malaking halaga rin ang katapat.

Nagsimula na ring mag-shoot si Maine para sa pelikulang lahok nina Bossing Vic Sotto at AiAi delas Alas para sa MMFF (Metro Manila Film Festival). Nakabuslo na ang tagumpay ng proyektong ito sa Disyembre, napakalaki ng cast ng pelikula, nakatadhana na ang pagkabog nila sa iba pang mga proyektong kasali sa taunang festival.

Kuwento ng staff ng isang ahensiyang humawak sa patalastas ng isang brand ng sardinas ni Yaya Dub, “May mga personalities pa ring masarap makatrabaho. Professional, walang arte, ma-PR, walang kahirap-hirap katrabaho.

“Wala kaming masasabi kay Yaya Dub, sikat na sikat siya ngayon, ang laki-laki ng name niya, pero parang wala lang! Hindi mo mararamdaman ang kasikatan niya dahil napakasimple niya.

“Pinadadali niya ang trabaho namin, wala siyang reklamo, walang hinihinging kung anu-ano. Sana nga, lahat ng personalities, e, tulad niya.

“Kapag may nakikipag-selfie sa kanya, e, siya pa ang magsasabi, ‘Wacky tayo!’ Natural, comfortable ang lahat sa set, walang tension, walang stress,” papuri pa kay Yaya Dub ng aming kausap.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BOSSING VIC SOTTO

EAT BULAGA

KUWENTO

LANG

MGA

NGAYON

NIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with