^

PSN Showbiz

Kahit magkakadugo nagkakainggitan pa, digmaan ng pamilya umiinit na?!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matindi ang problemang pinagdaraanan ngayon ng isang pamilyang kilalang-kilala sa lipunan. Kung dati’y mga bashers lang ng kanilang pamilya ang iniintindi nila, ngayon ay mas malalim nang laban ang kanilang hinaharap. Hindi na mga taong walang kuneksiyon sa kanilang buhay ang kaengkuwentro nila kundi mismong kadugo nila.

Kunsabagay, ayon sa mga may malalim na alam tungkol sa sitwasyon ay dati na namang hindi magkapalagayang-loob ang mga sangkot na pamilya sa kuwentong ito. Meron na silang dating alitan pero hindi nga lang ‘yun lumulutang.

Komento pa ng isang source, “Pansinin n’yo lang, hindi na talaga sila magkaka-close kahit nu’n pa. Natu­ringan silang magkakadugo, napakalapit ng kuneksiyon ng relasyon nila, pero hindi sila nagkakasundu-sundo.

“Magkasama lang sa iisang mundo sina ____at ____(pangalan ng dalawang mas kilalang pigura sa magkabilang pamilya), pero nakita n’yo na ba silang naging close?

“Ang ka-close nu’ng isa, e, mga pinsan niya sa ibang pamilya, pero si ____(pa­ngalan ng pinsang personalidad ng aktres ding bumibida sa kuwento), hindi niya nakakasama man lang. May kuwento pa ngang sobrang insecure siya sa cousin niya, ‘di ba?” pahimakas ng impormante.

Nagpupulung-pulong ngayon ang magkakapatid, matinding hamon ito para sa kanila, dahil mismong mga kamag-anak na nila ang kumokontra sa taong ipinagtatanggol nila.

Balik-kuwento pa ng source, “Nagsisimula nang gumana ang makinarya nila, meron silang tagapagsalita, umaariba na ang dila ng taong ‘yun para harapin ang mga kadugo nilang kumakalaban sa kanila ngayon.”

Madaling intindihin ang pagiging sensitibo ngayon ng pamilya, kailangan nilang magkapit-bisig para komprontahin ang kanilang mga kadugo na nanglalaglag sa kanila, digmaan na ito ng lahi kapag nagkataon.

Ubos!

AiAi diploma ang dini-demand sa mga anak

Madiing nilinaw ni AiAi delas Alas na walang katotohanan ang istoryang lumabas na kaya sila nagpunta sa Amerika ng kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan ay para magpakasal.

Ayon sa Comedy Concert Queen ay kaya niyang tu­mingin nang diretso sa mga mata ng kahit sino ngayon dahil walang-wala sa listahan ng kanyang mga prayoridad ang pagpapakasal sa Amerika.

Aligagang-aligaga ngayon ang komedyana sa pag-aasikaso sa bahay na binili niya para kina Sophia at Nicolo, tinutulungan niya ang kanyang mga anak na makumpleto ang mga kagamitan sa bahay bago siya umuwi ng Pilipinas, sama-sama silang naglilinis dahil wala silang kasambahay du’n pero masayang-masaya ang mag-iina dahil ngayon lang nila naranasang magbayanihan.

Sa bahay ng kanilang ama nakatira nu’n sina Sophia at Nicolo, may usapan na sina AiAi at Miguel Vera na kapag nakabili siya ng bahay ay magsasarili na ang kanilang mga anak, malungkot ang komedyana sa pagkakalayu-layo nila ng mga bata pero maligaya siyang nakikitang marunong nang mamuhay nang independent ngayon ang magkapatid.

“Masayang-malungkot, lalo na kapag pauwi na ako. Pero kailangan nilang matuto sa maagang edad, independent na sila ngayon, kani-kanyang toka sila sa trabahong-bahay.

“Saka parang magkakasama pa rin kami, pinaglalapit kami ng social media, araw-araw ang communication naming mag-iina,” kuwento ng Comedy Concert Queen.

Parang malayo lang sa kanyang karakter pero matindi ang pagpapahalaga ni AiAi delas Alas sa edukasyon ng kanyang mga anak. Diploma lang ang palagi niyang hinihiling kina Sancho, Sophia at Nicolo.

“Hindi naman kasi palaging fiesta, ‘di ba? Darating din ang time na gusto ko na ring magdahan-dahan sa trabaho, kaya ngayon pa lang, e, ibinibigay ko na sa kanila ang magandang education,” sinserong pahayag ng tanging ina.

vuukle comment

AMERIKA

COMEDY CONCERT QUEEN

GERALD SIBAYAN

LANG

NGAYON

NILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with