^

PSN Showbiz

Bea ilang beses nang niloko ni Jake

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sabi ni Bea Binene, nadulas lang siya nang aminin sa presscon/launching niya bilang endorser ng VeriFit Slimming Capsule na may third party sa break-up nila ni Jake Vargas last December 2014. For sure, hindi na siya nadulas sa nabanggit na non-showbiz ang girl at hindi ‘yun ang first time na naging unfaithful sa kanya at sa relasyon nila si Jake.

Gustong interbyuhin ng GMA-7 si Jake, pero hindi pa ito  nagpaparamdam kung gustong sagutin ang mga ipinahayag ni Bea.

Kinontra ni Bea ang na­banggit naming tanggap ng fans nila ni Jake ang break-up nila dahil mas marami ang galit sa kanyang JaBea fans. Thankful si Bea sa mga nakakaintindi sa kanya at tuloy ang suporta sa kanila ni Jake kahit break na sila.

Natawa ang press sa sagot ni Bea na “sapat-sapat lang” nang tanungin sa status nila ni Jake nga­yon. Nagbabatian sila ‘pag nagkikita, pero civil lang at puwede pa rin silang magkatrabaho.

Sabi pala ng mommy ni Bea, kaya sa Tweedle Book Cafe nila ginawa ang presscon/launching dahil mahilig magbasa si Bea at dahil family friend nila ang may-ari nito. Madalas daw sa Tweedle Book Cafe ang aktres.

Ang VeriFit Slimming Capsule ang itinuro ni Bea na tumulong para siya’y pumayat kasama ang yoga at boxing. Mabibili ito sa Mercury Drug, Watson, Southstar at ibang leading drugstores nationwide for P13 at once a day ang inom.

Albert pinagmukhang matanda

Tuluy-tuloy na ang shooting ng pelikula ng Iglesia ni Cristo na hindi na yata Ang Sugo ang title, kundi Felix Ma­nalo: The Last Messenger. Ito ang nababasa namin sa post ng ilan sa cast ng movie na two years ago pa hinihintay.

Nagsimula nang mag-shooting si Albert Martinez na gaganap sa role ni Felix Manalo, patatandain daw ang aktor sa pelikula, kaya pala sa nakita na­ming picture, puti ang buhok nito.

Kris binash sa hindi pagtawag ng kuya kay Dingdong

Nakakaawa naman si Kris Bernal, na-bash dahil lang hindi gumamit ng “Kuya” nang i-post ang picture nila ni Dingdong Dantes sa Instagram (IG) na kuha sa taping ng Pari ‘Koy. Kabilang si Kris sa guest sa pilot taping at sa sobrang tuwa na finally nakatrabaho si Dingdong, nagpakuha ng picture kasama ang aktor.

Sa pagmamadali at excitement siguro, hindi nito tinawag na “Kuya” si Dingdong, kaya marami ang nag-react na DongYan fans.

Inakusahan si Kris na hindi nirespeto si Dingdong at idinamay pa si Marian Rivera dahil hindi raw nito magugustuhan ang sinabi ng ilang fans ni Kris na may hawig ito sa kanya.

Sus naman, hindi ito isyu, ang liit na bagay para gawing big deal.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ANG SUGO

BEA

BEA BINENE

NILA

SLIMMING CAPSULE

TWEEDLE BOOK CAFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with