^

PSN Showbiz

Grabe ang mga demand sa ‘sideline’ hunk actor parang kotse, hindi kumikilos kapag walang gasolina

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagkawindang ang unang naging reaksiyon ng isang source nang marinig nito ang maraming kuwentong bumabalot sa pagkatao ng isang male personality.

Meron kasing alam ang source tungkol sa ilang pinaggagagawa ng lalaking personalidad, pero hindi ganu’n katindi ang mga impormasyong alam nito, hanggang sa isang araw nga ay narinig na mismo ng source ang mga nakatagong kalokohan ng male personality.

“Ibang klase si ____(pangalan ng male personality na hindi na gaanong bagets pero hindi pa rin naman maituturing na matanda na), basta kumilos ‘yun, kailangang may katapat na how much!

“Para siyang car, hindi aandar kapag walang fuel, kailangang may katapat na halaga ang mga kilos niya, ganu’n siya katindi!” simulang kuwento ng impormante.

Katawan daw ang ginamit ng male personality sa kanyang mga “raket,” hunk na hunk kasi ang lala­king personalidad, maraming humahanga sa kanyang mga nagmumurang muscles.

Bago raw makipagkita ang male personality sa kung sinumang interesado sa kanya ay meron na agad siyang bilin, “Naka-ready na dapat ang type niyang pantalon at T-shirt, branded siyempre ‘yun, saka mga kagamitan sa house niya.

“Kapag nagkita na sila ng kanyang client, nandu’n na nga ang mga ipinagbilin niya. Kapag wala, hindi matutuloy ang inaasahan ng beki o ng matronang kasama niya,” dagdag pa ng source.

At ginagawa raw ‘yun ng hunk actor habang magkarelasyon sila ng isang dating artista na pinaniwala niyang nag-iisa lang siya sa buhay niya, pero sangdamakmak naman pala sila, dahil suma-sideline nga ang hunk actor.

‘Yun nga siguro ang dahilan kung bakit nagising sa katotohanan ang dating aktres, nakipaghiwalay ito sa hunk actor, napakaganda na ng kapalaran ngayon ng babae pero ang hunk actor ay parang batong pagulung-gulong pa rin kaya hindi nalulumutan.

Isang salita lang tungkol sa pagpapapayat ang banggitin namin ngayon ay sapul na kung sino ang hunk actor na ito. Ubos na ubos!

Pacman walang kaere-ere kahit sikat na sikat

Nakakatuwang malaman na naimbitahan lang kung tutuusin ang Pambansang Kamao sa Buckingham Palace pero ang kinauwian ng kanilang pagkukuwentuhan ni Prince Harry ay magiging kapaki-pakinabang para sa ating mga kababayan sa Leyte.

Nasundan pala ng prinsipe ang mga balitang lumabas nu’n sa CNN, masyado itong naapektuhan sa kanyang mga nakitang pananalanta ng bagyong Yolanda, kaya nang bumisita sa London si Congressman Manny Pacquiao ay naging sentro ng kanilang usapan ang tulong na maaaring ibigay ni Prince Harry at ng Royal Family sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyo.

Tuwang-tuwa siyempre si Pacman dahil hindi na kailangan pang manawagan ng ating gobyerno sa iba’t ibang bansa, sa isang pagbisita lang ng Pambansang Kamao ay malaking tulong na agad ang kanyang nakalap, pinakamahusay na amabassador si Pacman.

Sa Miami, Florida naman kung saan tumuloy si Pacman pagkatapos ng pagbisita niya sa Buckingham Palace ay pinagkaguluhan siya. Maraming Pinoy na dumayo sa Florida para sa Miss Universe kung saan siya naging hurado, sa airport pa lang ay hindi na magkamayaw ang ating mga kababayan sa pagpaparetrato sa Pambansang Kamao, ganu’n katindi ang dating ni Pacman kahit saan.

“Siya pa ang lumalapit sa mga Pinoy, siya pa ang umaakbay sa mga nagpapa-picture sa kanya, sobrang down to earth si Pacman,” papuri pa ng isang kaibigan naming nagparetrato rin sa Pambansang Kamao.

vuukle comment

BUCKINGHAM PALACE

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

HUNK

ISANG

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

PRINCE HARRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with