^

PSN Showbiz

Gandang Gabi Vice tsutsugiin na nga ba? Vice Ganda hindi naramdaman sa Juan Dela Cruz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ay tapos na agad mag-taping si Vice Ganda para sa Juan dela Cruz. Para namang hindi siya naramdaman sa serye ni Coco Martin.

Kahapon ay nag-tweet siya : “Done taping JDC. Thanks so much to the cast and crew of Juan Dela Cruz for a fun experience. Hope to work with u guys again. More power!”

Hindi man lang pinag-usapan na lumabas na siya. Looks like nakaapekto talaga ang mga ginawa niyang panglilibak noon kina now Senator Nancy Binay at Jessica Soho. Tinabangan sa kanya ang marami.

Meron nga akong isang kakila na simula nang magkaroon ng angas si Vice, hindi na siya nanood ng programa niyang Gandang Gabi Vice. Bastusan na raw kasi ang nangyayari.

Oh well, baka nga huli na ang pagiging mabait na raw ni Vice dahil ang balita, tsutsugihin na ang kanyang programa tuwing Linggo ng gabi.

Ogie ini-enjoy ang pagiging jobless

Mukhang ini-enjoy ni Ogie Alcasid ang pagiging ‘jobless.’ Lately ay panay ang post ni Regine Velasquez ng photos ng mag-ama niya – Ogie and Nate -  na nasa bed lang habang may hawak ang anak nilang iPad na parang tinuruan na yatang magbasa.

Hindi pa rin daw kasi malinaw ang lahat tungkol sa paglipat ni Ogie sa TV5. Wala ring linaw kung magre-renew siya ng kontrata sa GMA 7 matapos itong mag-expire noong June 30. Kaya siguro chill-chill lang ang magaling na singer-comedian.

Ang tanging pinagkakaabalahan lang ni Ogie ngayon ay ang kanyang concert na 25 I Write the Songs na gaganapin sa August 16, 2013 sa Mall of Asia Arena.

Or baka naman nag-a-ala Lovi Poe si Ogie na ang tagal ding pinag-usapan ang pagpirma ng contract na ang buong akala ng lahat ay sa TV5 na lilipat pero sa kahulihan ay nagdesisyon ding manatili sa Channel 7. Kung sabagay wala namang masamang mag-isip.

Anak ng character actress na 15 anyos, nabuntis

Nakaka-shock naman ang kuwento tungkol sa anak ng isang character actress na nabuntis sa edad na 15. Kuwento ng isang source, nakilala niyang bata pa ang anak ng cha­racter actress. Gusto raw sana niyang alagaan noon dahil super cutie ang bata. Kaso ipinagdamot ng inang character actress na ngayon naman kahit papaano ay may career pa paminsan-minsan. Alam daw kasi ng source na wala naman masyadong datung noon ang character actress kaya nag-volunteer sana siyang kupkupin ang anak nito. Hanggang wala na siyang nabalitaan sa mag-ina. At nang magkaroon siya ng info, ang batang gusto niyang alagaan, buntis na pala.

Foreigner daw ang ama ng bata sa nasabing character actress.

Kung sabagay balitang nakailang relasyon din itong si character actress na nauuwi rin sa wala.

Hindi na nakalkal ang nangyaring ito sa buhay ng character actress.

Julia Barretto, hinahasa ng Kapamilya sa pag-arte

Perfect training ground kung ituring ng Kapamil­ya teen star na si Julia Barretto ang Wansapanataym special na pinagbibidahan niya ngayon kasama ang child wonders na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

 â€œSobrang thankful po ako sa ABS-CBN sa ibi­nigay nilang opportunity sa akin na maging part ulit ng Wansapanataym. Bukod po kasi sa nati-train ako lalo pagdating sa pag-arte, natuturuan pa po namin ng mabubuting asal ‘yung mga batang manonood,” pahayag ni Julia na masayang makatrabaho sina Zaijian at Xyriel. “Nakakaaliw po silang kasama sa set kasi para ko na rin po silang mga nakababatang kapatid. Ang babait po nila at professional katrabaho.”

Balitang hindi na muna itutuloy ang launching project sana ni Julia na Cofradia.

                                                  

vuukle comment

ACTRESS

CHARACTER

COCO MARTIN

GANDANG GABI VICE

I WRITE THE SONGS

JESSICA SOHO

JULIA BARRETTO

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with