^

Probinsiya

Mangingisda kritikal sa dinamita

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang isang mangingisda makaraang sumabog ang hawak na dinamita sa karagatang sakop ng Barangay Morocborocan sa islang bayan ng Rapu-Rapu, Albay noong Lunes ng umaga. Kritikal ngayong ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Pablo Boral ng nasabing barangay. Ayon kay P/Chief Insp. Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay police, dakong alas-9 ng umaga, iligal na nangingisda ang biktima sa pamamagitan nang pagpapasabog ng dinamita. Gayunman, nang sindihan nito ang hawak na dinamita ay biglang sumabog sa kanyang harapan. Agad naman itong nasaklolohan ng ilang  mangingisda at isinugod sa nasabing ospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with