^

Probinsiya

75-anyos ama kinatay ng anak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
75-anyos ama kinatay ng anak

 Brutal na kamatayan ang sinapit ng 75-anyos na ama matapos itong pagtatagain ng sariling anak na sinasabing nawala sa katinuan kahapon ng umaga sa Pagadian City, Zamboanga del Sur. File

MANILA, Philippines -  Brutal na kamatayan ang sinapit ng 75-anyos na ama matapos itong pagtatagain ng sariling anak na sinasabing nawala sa katinuan kahapon ng umaga sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni P/Inspector Helen Galvez, hepe ng Public Information Office region 9 ang biktima na si William Carvajal na nagtamo ng mga taga sa ulo.

Kaagad namang naaresto ang suspek na si Nino Gaco Carvajal, 35.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, lumalabas na dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng mag-ama sa Purok Nangka, Barangay Tuburan.

Bago pa umano maganap ang insidente ay sinasabing nawala sa katinuan ang suspek noong Agosto 16 at bigla na lamang nagwala.

Subalit kahapon habang papasok umano sa trabaho ang biktima ay bigla na lamang siyang pinagtataga at napatay ng suspek.

Ayon kay P02 Mozrach Lapid, base sa salaysay ng mga kaanak ng mag-ama, sinasabing may diperensya sa pag-iisip ang suspek kaya nagawa ang krimen nang walang dahilan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with