^

Probinsiya

34 estudyante nalason sa burger

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlumpu’t apat na ele­mentary pupils ang isinugod sa pagamutan matapos na umano’y malason sa kinaing hamburger na binili ng mga ito sa isang vendor sa labas ng kanilang eskuwelahan sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa.

 Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-10 ng umaga nang kumain ng burger na tig-P5 ang mga estudyante na binili nila sa mag-asawang vendor sa labas ng Nalsian-Bacayao Elementary School.

 Gayunman, ilang oras matapos na makain ang murang burger ay nagsimula nang dumaing nang matinding pananakit ng tiyan at ulo, pagdudumi at pagsusuka ang mga batang estudyante kung kaya isinugod sila sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City. 

 Sa 34 biktima, 22 ang patuloy na inoobserbahan sa ospital habang ang iba ay nakauwi na sa kanilang mga tahanan matapos mabigyan ng paunang lunas at ideklarang ligtas.

Isinasailalim sa masu­sing pagsusuri ang sample ng burger na kinain ng mga batang mag-aaral upang alamin kung ano ang sanhi ng kanilang pagkalason.

 Ayon sa mga estud­yante, medyo mabaho na ang palaman ng hamburger pero sa kabila nito ay kinain pa rin nila ito dahil sa pagka-gutom.

 Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mag-asawang vendor na nagbenta ng nasabing hamburger.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with