^

Para Manalo

Disyembre 4, 2012

Pang-masa

Akit Suwerte: Ang pagbibigay ng ikapu at pagtulong sa ibang tao ay inaayunan.

 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) Tarot Symbol: Inner Voice – Sundin ang iyong kutob upang malampasan ang hamon ngayon. Maaakit mo ang mga helpful people dahil napraktis mo na ang iyong mind power technique. Suwerte sa kulay lavender violet. Lucky numbers ay 40, 55, 44, 36, 38 at 24. Tumaya sa lotto bandang 5:38 p.m.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) Tarot Symbol: Friendliness – Ang iyong pagiging palakaibigan ang aakit ng mga mas masuwerteng pagkakakitaan ngayon. Unti-unti mong mare-realize ang kahalagahan ng kaibigan. Suwerte sa kulay champagne yellow. Lucky numbers ay 37, 7, 29, 14, 22 at 33. Tumaya sa lotto bandang 11:33 a.m.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) Tarot Symbol: Adventure – Harapin ang pagbabago sa lovelife. Matutupad ang iyong responsibilidad sa mga kapatid. Panahon na upang ikonsidera mo ang matagal nang nanliligaw sa iyo. Suwerte sa kulay peach orange. Lucky numbers ay 38, 8, 18, 22, 28 at 31. Tumaya sa lotto bandang 5:39 p.m.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tarot Symbol: The Source – Makakaasa na magiging sunud-sunod ang pagdating ng mga lucrative offers upang mapraktis ang iyong talento. Time management ang kaila-ngan. Suwerte sa kulay azure blue. Lucky numbers ay 28, 55, 44, 20, 38 at 45. Tumaya sa lotto bandang 11:28 a.m

ARIES (Marso 21 - Abril 19) Tarot Symbol: Silence – Ang pag-aaral ng mind power development ay magpapatahimik sa isip. Sa ganitong technique, mas mabilis ma-develop ang mga creative ideas na mapakikinabangan ng madla. Ang mga ideya na ito ay magpapayaman sa iyo. Suwerte sa kulay mauve violet. Lucky numbers ay 38, 48, 28, 33, 36 at 18. Tumaya sa lotto bandang 3:17 p.m.

TAURUS (Abril 20 -  Mayo 20) Tarot  Symbol: Possibilities – Matibay ka ngayon sa pagharap ng ano mang uri ng isyu sa buhay mo. Aarangkada ang career offers at maraming mga offers ng leadership sa iba’t-ibang multi-national corporation. Malaki ang posibilidad ng tagumpay. Suwerte sa kulay apricot orange. Lucky numbers ay 35, 55, 9, 29, 17 at 48. Tumaya sa lotto bandang 9:35 a.m.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) Tarot Symbol: Aloneness – Kahit mag-isa ka lang, matatapos mo pa rin ang mga dapat tapusin sa araw na ito. Magiging mabilis ang pagtugon mo sa mga legal issues. Suwerte sa kulay rainbow. Lucky numbers ay 28, 55, 7, 28, 11 at 48. Tumaya sa lotto bandang 12:49 p.m.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) Tarot Symbol: The Outsider – Mapapasabak kayo sa pagharap sa mga hamon ng buhay at kabiguan. Huwag panghinaan ng loob dahil ito ang magagamit mo upang mas patatagin pa ang iyong tiwala sa sarili. Suwerte sa kulay blue. Lucky numbers ay 44, 45, 8, 49, 58 at 29. Tumaya sa lotto bandang 10:38 a.m.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) Tarot Symbol: Consciousness – Magkakaroon ng job switch. Ito ang magpapabago ng iyong mundong ginagalawan. Mababago rin ang iyong pananaw sa buhay. Siguraduhing nakahanda ka na damayan ang kapamilya. Suwerte sa kulay scarlet red. Lucky numbers ay 50, 2, 48, 35, 26 at 36. Tumaya sa lotto bandang 4:45 p.m.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) Tarot Symbol: Tra-veling – Ang Harvest Goddess ang tutulong sa iyo na maakit ang oportunidad sa paglalakbay. Mag-ingat sa pakikitungo, dito kasi nakasalalay ang future effect. Suwerte sa kulay aqua blue. Lucky numbers ay 8, 24, 29, 33, 37, 45 at 48. Tumaya sa lotto bandang 8:56 a.m.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) Tarot Symbol: We Are The World – Magkakaroon ng global recognition sa iyong talent. Maraming mga OFW ang maghihintay sa iyong serbisyo. Tatanggap din ng imbitasyon sa paglalakbay upang mabigyan ang kapwa ng tamang gabay. Suwerte sa kulay lemon yellow. Lucky numbers ay 6, 56, 36, 26, 16 at 46. Tumaya sa lotto bandang 9:15 a.m.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) Tarot Symbol: Clinging To The Past – Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nakaka-move-on kahit na nabalitaan mong mayroon na siyang bagong karelasyon. Kailangang  mag-socialize upang makaakit ng new love. Suwerte sa kulay green. Lucky numbers ay 16, 9, 27, 5, 33 at 40. Tumaya sa lotto bandang 3:55 p.m.

vuukle comment

BANDANG

KULAY

LOTTO

LUCKY

NUMBERS

SUWERTE

TAROT SYMBOL

TUMAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with