^

Bansa

Ginang sinaksak, hinampas ng bato sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang ginang makaraang pagsasaksakin at hampasin ng bato sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Anali Ainza Chavenia, 45, ng Block 23 Lot 13 Karisma Village, Brgy. Panghulo, habang hawak naman ng pulisya ang mister ng biktima na itinuturong suspek sa krimen na si Edwin Chavenia, 49.

Sa ulat ng pulisya, unang isinasalaysay ni Edwin sa mga imbestigador na umuwi siya ng kanilang bahay na lango sa alak dakong ala-1 kamakalawa ng madaling araw at tumabi sa higaan sa kanyang misis.

Dakong alas-9 umano ng umaga nang magising siya at madiskubre na wala nang buhay ang kanyang misis na si Anali na naliligo sa sariling dugo.

Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa katawan at basag ang bungo dahil sa hampas ng matigas na bagay.  Isang bato ang na­tagpuan ng mga pulis malapit sa bangkay.

Sa salaysay naman ng kapitbahay na si Frank Otella, dakong alas-7 ng umaga nang makita niya si Edwin na papauwi ng bahay bitbit ang isang plastic bag.  Dakong alas-9:30 ng umaga nang biglang lumabas ng bahay si Edwin na duguan na ang damit at nagsisigaw ng katagang, “tulungan nyo ako pinatay ang asawa ko! Pinasok kami kagabi!”

Dahil sa magkakaibang bersyon ni Edwin at ng kapitbahay, itinuturing ngayon na pangunahing suspek si Edwin na nasa kustodiya nga­yon ng pulisya. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kabilang ang pag-analisa sa mga ebidensyang nakuha sa lugar ng krimen upang makakuha ng lead ang mga imbestigador.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with