^

Probinsiya

2 rape suspek, arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Maguidanao , Philippines  – Arestado ang dalawang rape suspek sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Cotabato City at sa bayan ng Makilala, North Cotabato, kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Nilo “Rorong” Tenizo ng Pigcawayan, North Cotabato; at Alvin Tahum ng Barangay New Panay sa North Cotabato. Base sa police report, si Tenizo ay sangkot sa panghahalay sa isang menor-de-edad na babae sa nasabing bayan noong 2013 at nagtago ng apat na taon ay naaresto ng pulisya sa Sinsuat Avenue sa Cotabato City kamakalawa ng hapon. Samantala, si Tahum na nanggahasa naman ng dalagita sa Pigcawayan noong 2015 ay nasakote sa  bayan ng Makilala. Ang dalawa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 18 sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

NILO “RORONG” TENIZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with