^

PSN Showbiz

Pia tumataba na, hiyang sa bakasyon birthday ni Kris nasabayan ng pagluluksa ni Herbert

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lipsync Battle ang Your Face Sounds Familiar Kids dahil sinasabayan lamang ng ibang mga contestant ang kanilang pre-recorded songs na unfair sa ibang mga kasali na effort ang live na pagkanta.

SEEN: May sarili nang social media account si Alexandria Athena Magallanes, ang ipinagbubuntis na sanggol ni Rufa Mae Quinto na isisilang pa lang ngayong Pebrero.

SCENE: Hiyang sa bakasyon si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil tumataba na siya, dalawang linggo matapos na isalin niya ang korona kay Iris Mittenaere ng France.

SEEN: Pinagbintangan na papansin si Teresa Loyzaga dahil sinamahan niya ang anak na si Diego Loyzaga sa Star Magic event noong Sabado, kahit hindi kailangan ang kanyang presence. #MakingHerPresenceFelt. #StageMother.

SCENE: Nagluluksa ang pamilya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil sa pagpanaw noong Linggo ng kanyang ama, ang veteran actor na si Butch Bautista. Nakaburol ang labi ni Butch sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth, Quezon City.

SEEN: Namatay ang ama ni Mayor Herbert Bautista dalawang araw bago ang kaarawan ng kanyang special friend na si Kris Aquino.

SCENE: Sinuportahan ng ABS-CBN production staff ang premiere night ng I’m Drunk, I Love You noong Linggo. Sina Maja Salvador at Paulo Avelino ang mga bida ng I’m Drunk, I Love You na showing bukas sa mga sinehan.

 

vuukle comment

ALEXANDRIA ATHENA MAGALLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with