^

Probinsiya

2 tanod, 1 pang senglot dedo sa road mishap

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Dalawang barangay tanod at isa pang lalaki na pawang mga lango sa alak ang magkakasunod na nasawi matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang puno at concrete barrier sa Brgy. Sapang Palay Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa isang ospital ng mga kagawad ng rescue unit subalit hindi na umabot pang buhay ang mga biktimang sina Pablo Gero­nimo Jr., 37, drayber; Warlito Mawili, 43, kapwa barangay tanod at anak nitong si Phillip Mawili, 20, pawang ng Brgy. Sapang Palay Proper sa naturang bayan.

Sa ulat ni PO3 Reynaldo Bayan, dakong alas-5:30 ng hapon habang matuling tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng EVR Road sa Brgy. Sapang Palay Proper lulan ng isang motorsiklong Yamaha MIO nang bumangga sa puno. Dahil sa sobrang kalasi­ngan at matulin na pagpapatakbo ay hindi nakontrol ni Geronimo ang manibela ng sasakyan na bumangga sa isang malaking puno at ilang mga concrete barriers. Tumilapon sila at saka tumama pa ang mga ulo sa naturang barrier na nagresulta ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with