PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Enero 3, 2018

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Ang taglay na suliranin ay maaaring lumaki sa paglipas ng araw kung hindi mahahanapan ng solusyon ngayon. Ang dadaluhang salusalo ay may oportunidad na may kinalaman sa pera. Iwasan ang biglaang pagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at olive green.

AQUARIUS(Enero 20- Pebrero 18)

Tuwirin mo ang iyong pagkakamali dahil alam mong tama sila. Matutupad at maibibigay ang naipangako. Iwasang gumawa ng bagay sa salita o gawa na makakasakit ng damdamin ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay  3, 16, 28, 34 at violet.

GEMINI(Mayo 21-Hunyo 21)

Maganda ang epekto sa pakikipagkasundo sa matagal nang nakagalit. Dahil taglay ngayon ang mataas na antas ng karisma, mada-ling makaunawa at kabigha-bighani kang kausap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 26, 29 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES(Pebrero 19- Marso 20)

Matutukso ka sa panlabas na anyo ng isang nilalang. Alamin ang puno’t dulo bago magkumento o magdesisyon. Sa pagbabalewala ng kalusugan, ngayon maniningil sa pang-aabuso at kapabayaang ginawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 16, 25, at sky blue.

CANCER(Hunyo 22-Hulyo 22)

Bantayan ang linya ng komunikasyon mula sa nakaligtaang kaibigan o kamag-anak, dahil may grasyang darating. Masigla at masayahin ka sa umaga ngunit magiging kabaligtaran sa hapon o gabi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 36, 41 at blue.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

Upang manatili ang mataas na antas ng respeto ng kapwa, ipakita ang kabutihan. Magiging taliwas sa inaasahan ang mangyayari ngayon. Iwasan ang drama nang pagka-emosyonal sa pagtupad ng tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 44, at orange.

ARIES(Marso 21- Abril 19)

Sabihin ang gustong sabihin dahil kung mananatiling tahimik ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. Maging tapat sa sarili at kapwa. Pairalin ang disiplina sa sarili. Madaling mag-init ang iyong ulo na dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day 3, 5, 17, 32 at brown.

LEO(Hulyo 23- Agosto 22)

Huwag mangutang dahil mahihirapang makabayad. Pakiramdaman at sundin ang kutob dahil malakas ang taglay na ESP. Lumalandas ka ngayon sa kaunlaran kaya huwag iwanan ang magandang layunin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27, 36 at beige.

SCORPIO(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Ang taglay na talino ay pagkakakitaan nang husto, kaysa sa kasalukuyang trabaho. Dapat itong pag-ukulan ng panahon at pagyamanin. Nasa lakas ng loob ang landas ng tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 35, 43 at red.

TAURUS(Abril 20-Mayo 20)

Tama ang desisyon, tawanan ang problema at hanapan ng solusyon. Kung maganda ang mood, madaling makakahanap ng solusyon. Magiging abala sa pag-aayos ng tahanan na magbibigay ng sigla. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 26, 34 at milk white.

VIRGO(Agosto 23-Setyembre 23)

Mag-relax upang gumaan ang isip at kalooban. Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan ang argument upang hindi mapa-away o magkaroon ng kagalit dahil magiging makitid ang iyong pasensya. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 44 at white.

SAGITTARIUS(Nobyemre 23-Disyembre 21)

Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan ang mga kapalpakang nagawa at isipin na isang aral ito para maituwid ang pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 5, 23, 38, 44 at fuchsia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: