^

Kutob

Nobyembre 29, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang kabutihan ng Maykapal ay umiiral sa bawat bahagi ng buhay ko.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Gumawa kaagad ng aksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 35, 42 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Proble­mado ka ngayon at makikilala ang tunay na mga ka­ibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Sa oras nang pangangailangan masusubok ang tunay at tapat na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 19, 25, 37 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Mag-ingat sa mga salita nang hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat ngayon dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold-up Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito lamang ang tanging paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, magiging hamon sa damdamin ng kasintahan ang malimit na paglapit sa iba. Magpaliwanag kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 24, 34, 40 at jade green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwasang matali sa pangako dahil hindi kayang tuparin. May hindi ina­asahang dahilan ang makapagpapabago ng desis­yon. Ang relasyon na pang-pamilya ay mapagtitibay kung gugustuhin. Ipagpaliban ang balak sa paglakbay dahil hindi magtatagumpay sa pakay. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa hanapbuhay. Magiging masaya ang pamimili o pagsya-shopping. Mahalagang sundin ang budget. Magkakaroon ng pagbabago ang plano sa paglalakbay o gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 40 at pink.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) –  Ang matagal nang hinangad ay maisasakatuparan. May suwerte sa pag-ibig. Maligayang romansa ang maaaring maganap at maaaring humantong sa pagpapakasal. Inaayunan ng panahon ang makipag-date o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag padala sa bugso ng damdamin dahil mapapahamak ka. May balita mula sa ibang bansa ang malamang na matanggap. Isang tao na may nunal sa pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung may balak, gawin kaagad. Iwasan ang ugaling mamaya na dahil tiyak na hindi magagawa na sana’y makapagbibigay ng kabutihan. Kung magiging masipag, may mapapala. Kung positibo ang iniisip at lalakipan ng kilos, may asenso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 24, 40 at beige.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang maglingkod ng tapat ay kailangan, hindi lamang sa pinapasukan kundi kalakip ang pamilya. Patungo sa tagumpay ang nilalandas. Mapapaunlad ang kalagayang pinansiyal. Iwasan na magkaroon nang pagtatalo. Iwasan ang gulo. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Iwasan ang makipagtalo sa kasamahan sa trabaho o kasambahay. Ayusin ang mga schedule upang hindi magbuhul-buhol ang gawain o appointment. May pagdedesisyunan na mahalagang bagay. Nasa panig ang katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 34 at crimson red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magi­ging masaya ang susunod na mga araw, ngunit ngayon ay matamlay ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal  sa mga bagay na maha­laga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 32, 41 at orange.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with