PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 31, 2017

Pagtitibay: Anumang sabihin ay laging may posibilidad na siyang mangyari. Kaya ingatan ang paggamit ng dila para walang mapahamak.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang taglay na munting problema ay maaaring lumaki sa paglipas ng mga araw kung hindi mahahanapan ng solusyon ngayon. Ang dadaluhang salu-salo ay kasasangkutan ng opor­tunidad na may kinalaman sa pera. Lucky numbers at color for the day ay 17, 24, 30, 37 at jade green.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) –  Upang manatili ang mataas na antas ng respeto at pagkatao, ipakita ang kabutihan at respeto sa kapwa. Magiging taliwas sa inaasahan ang pangyayaring magaganap. Iwasan ang drama nang pagiging emosyonal sa pagtupad ng gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 24, 36, 41 at lilac.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Matutukso­ sa panlabas na anyo ng isang opposite sex subalit ang ugali naman ay taliwas sa inaasahan. Sa gina­ga­wang pagbabalewala sa kalusugan, ngayon ang paniningil sa pag-aabuso at pagpapabaya rito. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 16, 25 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Magiging produktibo ang araw kung gugustuhin. Kalimutan  ang  mga kapalpakang nagawa at isipin na isang aral sa pagtutuwid ang mga pagkakamali. Hindi maaapektuhan ang mga plano na magdudulot ng mabuting  resulta kung iiwasan na mag-init ang ulo at maging emosyonal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 23, 38, 39 at neon green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang talinong taglay ay pagkakakitaan nang husto kaysa sa kasalukuyang trabaho. May taglay na kakaibang talino na dapat pag-ukulan ng panahon na ma-develop. Lakas ng loob ang daan ng tagumpay. Maging matatag. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 35, 42 at silver.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Pinapayong huwag ngayon mangutang at mahihirapan lamang magbayad. Makakabuting pakiramdaman at sundin ang idinidikta ng kalooban dahil malakas ang taglay na ESP. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 27 at 36 at dirty white.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Sikaping mabuksan­ ang komunikasyon nang isang nakaligtaang kaibi­­gan at may naghihintay na biyaya. Magiging­ ma­sigla at masayahin ka sa araw na ito. At dahil dito, ma­rami ang gawaing matatapos at obligasyon ang maga­gam­panan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 36, 41 ocean blue.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Huwag patagalin ang bagay na gustong sabihin dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kaunlaran. Maging tapat sa sarili at iwasan ang maging magagalitin. Magkaroon ng malakas na disiplina sa sarili. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan at masasayang lamang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 17, 32 at white.  

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Maglibang at mag-relax upang gumaan ang isipan at kalooban. Huwag pansinin ang mang-aasar. Iwasan ang argumento upang hindi mapaaway o magkaroon ng kagalit dahil magiging maikli ang pasensya mo sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 35, 41 at emerald green.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magiging maganda ang epekto nang pakikipagkasundo sa matagal nang nakagalit. Dahil taglay ngayon ang mataas na antas ng karisma, madaling makakaunawa at kabigha-bighani kang makausap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 26, 29 at Chinese blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Tama ang de­sisyong tawanan ang problema at hanapan ng solusyon sa mahinahong paraan. Magiging­ abala sa pagpapaayos ng tahanan at pagtatanim na siyang magbibigay sa iyo ngayon ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 26, 34 at milk white.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Tutuwirin nila ang kanilang pagkakamali sa oras na malamang tama ka. Matutupad at maibibigay ang naipa­ngako. Iwasan ang maging madaldal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 28, 34 at green agate.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: