PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 25, 2017

Pagtitibay: Pigilin ang bibig sa pagsasalita nang hindi maganda sa iyong kapwa, sa halip magsikap para makakawala ka sa utang.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak ka na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang. Huwag lamang ang sobrang abuso dahil hindi sa lahat ng panahon ay mauunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumusuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 44 at tangerine.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang iyong pakiwari ngayon ay walang nakakaunawa sa gusto mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 17, 20, 31, 40 at emerald green.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ihanda ang sarili na makinig sa problema ng kaibigan. Tiyaking hindi ka madadala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 17, 32, 45 at beige.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Unahin ang paggawa ng mga mahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang maghari ang kasalukuyang depresyon dahil sarili lamang ang parurusahan. Kung kikilos ay may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 22, 37 at maroon.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magpasensiya kahit pikon at galit ka. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang pagkabagsik. Tiyak na hindi makapagpipigil at may mangyayaring hindi maganda. Lucky numbers ay color for the day ay 9, 18, 26, 39 at pink.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maliksi ang katawan at maganda ang pag-iisip kaya handang sumagupa, kahit ano ang ipagawa. Maraming magagawang trabaho ngunit mag-ingat sa sakuna o disgraya. Mag-ingat sa matatalas at matutulis na bagay. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 17, 18, 23, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi tapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 28, 44 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makapag-iisip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin, huwag lubayan ang paghahanap ng solusyon. Kumunsulta sa psychic kung hindi kaya ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 25, 37 at tangerine.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan dahil darating ang panahon  na siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 15, 34 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malamang yayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kung magkataon ay magiging masaya ang inyong pagsasama. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ito nang hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay   3, 11, 35, 42 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magpaliwanag sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan siya, kundi nais mo lamang na itama ang pagkakamali na kung hindi mo gagawin ay tiyak mapapasama kayong lahat. Sabihin ito ng maayos at asahan na mauunawaan ka nila. Kailangan ang maliwanag na paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 36, 40 at mint green.     

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malamang hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi kanais-nais. Hindi naman masama ang umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 23, 39 at red.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: