^

Kutob

Oktubre 3, 2015

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Wala akong hindi magagawa sa kalakasang kaloob ng Diyos sa akin.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sikapin na ang nabinbing mga gawain ay matapos bago sumapit ang hapon. Ang anumang maiwanang gawain ay magiging sagabal sa pagtupad ng tungkulin at obligasyon. Nasa sariling pagsisikap ang ikakaunlad. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 18, 38 at orange.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaaring ngayon mo makakamtan ang matagal nang inaasam-asam. Subalit magiging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang maririnig. Para manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magiging mahigpit ang kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon pero huwag mabahala, dahil isa ka sa mga kandidato. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o balita. Isang kaibigan ang mangangailangan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 28, 32, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na investment kaysa magpabandying-bandying at walang gawin. Ang talino ay malaking puhunan sa ikakaunlad kaya panahon na para magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tumututol, ituloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang paghanap ng walang puwang na oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Maging maagap sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag maging ipukreto at kung anuman ang payo, dapat pakinggan at sundin kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang nakikitang kamalian. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga para sa ikakabuti mo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may lalakarin, sa umaga gawin para magtagumpay. Ang lahat ng aktibidad sa umaga ay mabagal. Naaayon ang pamamasyal o pagdalaw sa kaibigan o kamag-anak pagkatapos ng trabaho o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 23, 26, 28 at ivory cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang taglay na sipag at pagtitiyaga ang magiging mabisang puhunan para makamtan ang kaunlaran. Ang responsibilidad tungkol sa pamilya ay siyang magiging pangunahin kaysa sa sarili. Magkakaroon ng suliranin sa oras, sa pagitan ng trabaho at ng pamilya. Hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil ang lahat ay may paraan at solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 29, 42 at beige.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang praktikal na gawain ay siyang magbibigay ng kasiyahan at moral. Ang mababa na sahod na halos hindi sapat sa pangangailangan ng sarili at pamilya ay magbibigay ng katamaran sa gawain. Tatawag ang minamahal at dapat bigyan ng parehas na panahon ang tungkulin at ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 24, 34, 42 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kakailanganin ngayon ang matibay na self-control dahil baka may susubok sa iyong pagtitimpi. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil ito ang sisira ng iyong magandang araw. Iwasan ang mapagbirong mga kaibigan. Kung sakali, huwag mapikon. Lucky numbers at clor for the day ay 9, 14, 20, 21 a brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang katiyakan ang takbo ng panahon. Maaaring urong-sulong ang mga pangyayari kaya ang dapat gawin ay makisayaw kung ano ang tugtog. Dapat mag-relax sa pamamasyal o manood ng sine para makasagap ng magandang enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 23, 34 at maroon.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Upang magtagumpay sa trabaho, saliksikin ang mga detalye at iayon sa sarili. Kung may hindi nalalaman, huwag mahiyang magtanong. Umaaayon ang panahon sa pagsasaliksik sa mga bagay na wala sa kaalaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 18, 38 at cream.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

AGOSTO

ANG

COLOR

DAY

LUCKY

MAAARING

MGA

NUMBERS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with