^

Pang Movies

Inigo type rin maging nanay si Shaina

YSTAR - Baby E - Pang-masa

How sweet naman, Salve A., of Piolo Pascual for not taking it, yes, against Shaina Magdayao, nang ideklara ng huli na actually ay wala pang label ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Kung sa bagay, aminado rin naman si Shaina na si Piolo ang pinaka-close niya sa lahat ng Kapamilya actors.

Dagdag pa niya, she enjoys being with him.

At kahit ang ate ni Shaina na si Vina Morales ay naniniwalang potential good husband si Piolo.

And on the part of Piolo naman, type na raw ng kanyang ina na manugangin si Shaina.

Did we hear it right na kahit ang 18 year-old son ni Piolo na si Inigo ay welcome na maging stepmom si Shaina?

Well.

Magiging kampeon ng TNT  mag-uuwi ng p2-m

Sa Saturday na, March 11, malalaman kung sino ang hihiranging kampeon ng Tawag Ng Tanghalan segment ng It’s Showtime.

Gaganapin ito sa Resorts World Manila.

Kasabay ng titulong mapapanalunan, maginhawang buhay na naghihintay sa kanya at ng kanyang pamilya.

Balitang dalawang milyong piso raw ang iuuwi ng magwawaging kampeon at papipirmahin pa ng kontrata sa ABS-CBN.

Nangyari na ito kina Nora Aunor at Edgar Mortiz na parehong podukto ng Tawag Ng Tanghalan. Hindi lang umaatikabong popularidad ang napa-sakanila, kung hindi pati na ang magandang buhay.

To date, both Nora and Edgar are still active in the field.

Si Nora pa rin ang kasalukuyang kinikilala bilang Superstar.

Si Edgar naman ang creator and producer ng gag shows na Goin’ Bulilit at Banana Sundaes na parehong napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Si Edgar din ang director ng three year-old sitcom na Home Sweetie Home, aired Saturdays na pinangungunahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Heto naman ang listahan ng mga jurors, kung kaninong kamay, nakadepende ang kapalaran ng mananalo:

Rey Valera, Yeng Constantino, Karla Estrada, Karylle, Billy Crawford, Nyoy Volante, K Brosas, Mitoy Yonting, Rico J. Puno, Louie Ocampo, Kyla, Erik Santos, Jaya at Ogie Alcasid.

Alyssa sinuwerte kay Kiefer, tinalbugan si Gretchen

‘Di tulad ng kapwa volleyball champ na si Gretchen Ho, stable ang relasyon ni Alyssa Valdez sa kanyang fellow athlete na si Kiefer Ravena na isang basketbolista.

Confirmed na ang break-up nina Gretchen at fellow Atenean and TV host, si Robi Domingo.

Yes, plantsadong wala na sila pero ayon sa dalawa, hindi raw third party ang dahilan nito.

Nasabit kasi ang pangalan ni Sandara Park kay Robi, na agad naman idinenay ng huli.

Sa halip, ang dahilan na pinagbibintangan nila kung bakit halos wala na silang time sa isa’t isa ay ang kani-kanilang schedule.

Na madali lang sana resolbahan, kung bakit ginusto din lang nila.

They are each other’s first serious relationship, susog pa ni Robi.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with