^

Police Metro

Lalaki naghamon ng away patay sa pulis

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang hindi pa kilalang lalaki na armado ng patalim nang barilin ng isang rumespondeng pulis dahil sa pagwawala nito at paghahamon ng away kamakalawa ng gabi sa P. Burgos St., kanto ng Finance Road, Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Ang nasawing suspek ay inilarawan na nasa pagitan ng edad na 30-34, payat, nakasuot ng camouflage na shortpants, walang pang-itaas na damit at nasa 5’3” ang taas.

Bago naganap ang pagbaril ng pulis na si PO1 Raymart Cuvinat ng Lawton Police Community Precinct sa suspek dakong alas-10:30 ng gabi ay isinumbong ng mga taong dumaraan sa pulis at kasama nitong si PO2 Josue Ledesma ang pagwawala ng biktima na armado ng patalim at naghahamon ng away.

Nang respondehan ng dalawang pulis at sinubukang lapitan at pasukuin ang suspek ay sumugod umano ito at atakehin ng saksak kaya’t napilitan na barilin ito ni Cuvinat sa katawan.

vuukle comment

RAYMART CUVINAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with