^

Bansa

Karambola ng 3 jeep, 1 drayber patay!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang drayber ng isang owner-type jeep makaraang bumundol sa dalawang pampasaherong jeep matapos na magtangka itong  mag-overtake sa isa pang sasakyan, Huwebes ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Elias Abad, 40-anyos, at naninirahan sa No. 008 E. Roberto Street., Sto. Rosario, Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.

Kusang-loob namang sumuko sa mga otoridad ang dalawang nakabanggaang tsuper na sina Roberto Silva, Jr., ng No. 791 Bagbaguin, Caloocan City; at Reynaldo Mabbun, 43 ng 33 M. Gregorio St. Canumay, West, Valenzuela.

Sa inisyal na ulat, binabagtas ni Abad ang Maysan Road sa Brgy. Maysan dakong alas-8:50 ng gabi sakay ng kanyang owner-type jeep nang tangkain niyang i-overtake ang isang mabagal na jeep sa kanyang unahan.  Dito nakabungguan ng biktima ang jeep na minamaneho ni Silva.

Muli pang bumangga ang owner-type jeep sa isa pang pampasaherong jeep na minamaneho ni Mabbun sa kabilang linya.  Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Abad dahilan ng kanyang pagkasawi.

Nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang dalawang nakabanggang tsuper na kapwa idinipensa ang kanilang mga sarili na wala silang kasalanan sa aksidente. Ayon sa pulisya, bahala na umano ang piskalya na magdetermina kung may pananagutan sila o wala.

vuukle comment

ELIAS ABAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with