^

Bansa

Kaanak ni Speaker Alvarez sinipa ng Hapones

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinipa at nasaktan ang isang menor de edad na batang lalaki na diumano’y kamag-anak ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos magalit ang isang 40 years old na Japanese national habang sakay sila at nasa ere ang Philippine Airlines flight PAL-PR-2522 galing Cagayan.

Ayon sa ulat, pagdating ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay inaresto ng Airport police ang isang Shinomiya Kasuke dahil tumawag na sa Manila Tower ang piloto ng eroplano para i-report ang nangyaring insidente habang nasa ere ang eroplano.

Nagreklamo sa mga otoridad pagdating sa paliparan ang isang Joel Tan Chan, tiyuhin ng batang si Bruce Gabriel Chan, 12 years old kaya mabilis na dinala si Kasuke sa MIAA Airport police department.

Ayon sa tiyuhin ng biktima bigla na lamang umano sinipa ni Kasuke ang kanyang pamangkin sa kaliwang kamay nito dahil nagalit ito sa hindi malaman na dahilan.

Sinabi sa ulat, sasampahan ng kaso ang suspect sa paglabag nito sa Republic Act 9262 o ‘Violation against women and children’ sa Pasay City Prosecutors Office.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with