^

PSN Palaro

Nilasing ang Batang Pier sa Cebu, Beermen itinagay ang No. 1 berth

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Nilasing ang Batang Pier sa Cebu, Beermen itinagay ang No. 1 berth
Pinayungan ni Ronjay Buenafe ng Blackwater si Scottie Thompson ng Ginebra sa kanilang laro no­ong Biyernes.
PBA Images

MANILA, Philippines – Sa likod ng kanilang pang-walong dikit na pana­na­lasa ay ganap nang inangkin ng Beermen ang No. 1 seat sa quarterfinal round.

Sumakay ang nagde­de­pensang San Miguel sa kabayanihan ni one-time PBA Most Valuable Player Arwind Santos sa huling minuto ng final canto para talunin ang Globalport, 106-100, sa 2017 PBA Philippine Cup kagabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ang panalo ang nagbigay sa Beermen ng 9-1 record, habang nagtapos naman ang two-game winning run ng Batang Pier pa­ra sa kanilang 5-4 baraha ka­sosyo sa ikalawang puwesto ang Ginebra Gin Kings, TNT Katropang Texters at Rain or Shine Elasto Painters.

Sa tournament format ay ang No. 1 at No. 2 teams ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod, habang magtutuos naman ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5 sa dalawang best-of-five quarterfinals se­ries.

Makaraan ang salaksak ni Terrence Romeo pa­ra sa 97-102 pagdikit ng Globalport ay nagsalpak si Santos ng dalawang free throws sa nalalabing 8.8 segundo para muling ilayo ang San Miguel sa 104-97.

Samantala, tatargetin ng Ginebra ang quarterfi­nals seat sa pagsagupa sa Phoenix ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska at Mahindra sa alas-4:30 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kasalukuyang nasa isang two-game winning run ang Ginebra matapos gibain ang Meralco, 83-72, at ang Blackwater, 99-90.

vuukle comment

PBA MOST VALUABLE PLAYER ARWIND SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with