^

Police Metro

Walang isasarang kalsada sa pagdaraos ng Miss Universe

Lordeth Bonilla - Pang-masa
Walang isasarang kalsada sa pagdaraos ng Miss Universe
Minamadali ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng signage sa iba’t-ibang lansangan para sa pagpapatupad ng mas pinahigpit na traffic regulation sa Kalakhang Maynila.
Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines - Para hindi makaapekto sa mga motorista, inanunsiyo kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang isasarang mga kalye sa Metro Manila sa gaganaping aktibidades ng Miss Universe Pageant sa bansa.

Tiniyak ni Manny Gonzales, head  ng  MMDA’s road emergency group, na hindi isasara ang mga  kalyeng dadaanan ng mga kandidata habang bumibisita ang mga  ito sa ilang lugar  ng  Metro Manila.

Gayunman, paiigtingin ng MMDA ang  clearing operations  para maging maayos ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila.

Ang pahayag ni Gonzales ay base sa naging anunsiyo ni  Department of Tourism  (DOT) Secretary Wanda Teo, na hindi maaapektuhan ang mga motorista sa magiging aktibidades ng Miss Universe. Ito ay dahil na rin sa direktiba  ni Pangulong  Rodrigo Duterte, na hindi dapat maapektuhan ng Miss Universe ang  daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Sabi pa ni Gonzales, magtatalaga sila ng 80 traffic enforcers, 60 ang “fixed traffic enforcers” na siyang magmamantina ng daloy ng trapiko.

 

vuukle comment

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with