^

PSN Showbiz

Ellen hindi na hinahanap ang paghuhubad!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ellen hindi na hinahanap ang paghuhubad!
Ellen

Noong Lunes ay nagsimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Langit Lupa na pinagbibidahan ng mga batang sina Yesha Camille at Xia Vigor. Kabilang din sa nasabing serye si Ellen Adarna at ayon sa aktres ay kakaiba ang kanyang karakter dito bilang isang stepmother. “Kasi nag-The Greatest Love naman din po ako, gumanap ako na nanay doon. Hindi naman din bago ‘to kasi sanay naman ako sa mga bata, sa family ko. Kasi ako ‘yung eldest sa four younger brothers ko. Mahilig ako sa bata, okay naman,” nakangiting pahayag ni Ellen.

Matatandaang may pagkaseksi ang ginawa noon ng dalaga sa Passion de Amor pero hindi pa naman daw niya tinatalikuran ang pagpapaseksi. “Hindi naman sa ayaw ko na, hindi ko lang hinanap. Kasi mas gusto ko na wholesome, ang hirap kaya magpa-sexy,” giit ng aktres.

Ruffa binusisi ang mga kuwento ng sariling libro

Masayang-masaya si Ruffa Gutierrez dahil mabibili na ngayon sa mga bookstore ang kanyang sariling libro na halos isang taon ginawa. May titulo itong The Truth and Lies My Mother Told Me. “Nagpapasalamat ako na after one year, my book is finally out. The Truth and Lies My Mother Told Me ay isang napakahabang proseso. I’m very proud of it, I’m now an author. I feel very fulfilled that ABS-CBN gave me the opportunity to have my own book and to share my life and my journey with all of you,” bungad ni Ruffa.

Ayon sa aktres ay pinakialaman din ng inang si Annabelle Rama ang kanyang mga isinulat sa nasabing libro bago pa ito nailathala. “Up to the last minute, talagang sinabi niya na, ‘Kailangan basahin namin ‘yung libro.’ Ako naman, imbes na magsisi ako na lumabas ‘yung libro na hindi ko pinabasa sa mommy at daddy ko, pinabasa ko sa kanila ang dami niyang gustong tanggalin. Sabi ko, ‘Ma, ‘pag tanggalin mo, hindi na kuwento ng buhay ko ‘yan.’ I want the book to be authentic. I want it to be from the heart,” kwento ni Ruffa.

Una nang nailathala noon ang sariling libro ni Annabelle na may titulong Day Hard! pero ayon kay Ruffa ay mas nauna pa palang nabuo ang konsepto ng kanyang libro. “Mas unang na-conceptualize ‘yung book ko pero sa sobrang tagal ko at talagang binusisi namin itong libro na ito, nauna pa ‘yung libro ni mommy. So this maybe my answer sa lahat ng mga sinabi niya,” pagtatapos ni Ruffa.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

YESHA CAMILLE AT XIA VIGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with